Balita

Primeline, tuloy sa pag-discover ng great talents

- Remy Umerez

PATULOY ang pagtuklas ng talents ng Primeline Management & Production­s ng mag-asawang Ronnie at Ida Henares. Kabilang sa mga pinasikat ng mag-asawa ang kapwa mahusay na singers na sina Regine Velasquez at Lani Misalucha.

Sa talaan ng mga ipinagmama­laking artists, kabilang din sa Primeline talents si Mary Joy Apostol, ang The 4th Impact, at sina Ava, at Alexa Miro.

Ang young actress na si Mary Joy ay nanalong Best Actress sa Facine Festival (San Franciso), at apat na beses nang napanood sa Maalaala Mo Kaya. Sa huli niyang labas sa longest-running TV drama, nagbida si Mary Joy sa incest episode, na nakakuha ng rating na 26.4%.

Kasama rin sa cast ng ABS-CBN afternoon drama na Los Bastardos si Mary

Joy, na unang nakilala sa pagbibida niya sa critically-acclaimed indie movie na Birdshot.

Ang 4th Impact ay nag-audition sa X

Factor London, at ang audition video ng grupo na Never Enough earned a staggering 129 hits at one million views sa YouTube.

Crowd drawer naman si Ava and her band sa Bar 360 sa Resorts World.

Matatandaa­ng nag-viral ang online Jollibee ad ni Alexa, na umani ng positibong feedback sa paglabas niya sa teleseryen­g Araw Gabi.

Kamakailan, nagkaroon ng reunion concert sina Ronnie Henares at Jojit Paredes (heartthrob of the 70’s) sa Solaire. Mapapanood si Ronnie sa Pepito Manoloto at sa Cain at Abel ng GMA-7.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines