Balita

Ika-123 labas

- R.V. VILLANUEVA

NIYAKAP ni Fermin si Nena. Tinapik-tapik ni Fermin ang likod ng asawa. Hinalik-halikan ng mga halik ng pag-alo.

“Alam mo bang naniniwala ako talaga sa lahat ng ikinuwento mo,” sabi ni Fermin, pagkuwan.

“May ikukuwento ako sa iyo,” sabi ni Fermin. “Pero tumingin ka muna sa labas ng bintana.” Inakay pa ni Fermin ang asawa.

Magkahalon­g pagtataka at takot ang nararamdam­an ni Nena. Pagtataka dahil hindi siya makapaniwa­lang may liwanag pa sa labas ng bahay. Palatandaa­ng kalulubog lamang ng araw. Hindi ba kaninang dumungaw siya ay kayrami nang bituin sa kalangitan at parang sa tingin niya ay maghahatin­ggabi na? Natatakot na naman siya dahil ang nakatagpo niya kanina lang ay hindi mga natural na tao kundi mga supernatur­al.

“Ngayon Love .... naniniwala ka na kaninang tawagan mo ako ay wala pang alas singko?” tanong ni Fermin.

Hindi kumibo si Nena. Palagay niya, gumapang na naman ang mga kilabot sa kanyang buong katawan.

“Pero walang dapat katakutan,” sabi uli ni Fermin. “Hindi na tayo sa babalikan ng mga iyon.”

“P-pa’no mo naman n-natiyak, Fermin?” May pangingini­g pa rin sa boses ni Nena.

“Dahil may panlaban tayo. Kampon sila ng kadiliman at takott sila sa kapangyari­han ni Jesus Christ.”

Para tuluyang kalmahin ang kalooban ni Nena, si Fermin naman ang nagkuwento ng tungkol sa mga naging karanasan nila. Nila ni Nenamia. Wala siyang ikinaila sa kanyang misis.

Tapos na ang kuwento ni Fermin. Napansin niya, masama ang mukha ni Nena. Simangot na simangot ito at kaytalim ng irap sa kanya.

“H’wag mo namang sabihing nagseselos ka do’n?” aniya.

“Muntik na pala akong mabiyuda ng hindi sinasadya. Ang akala ko pa naman...talagang ako lang ang mahal mo!”

“Pero hindi ko rin ginusto ‘yon, Love.”

“Lablabin mo’ng lelong mo!” galit pa rin si Nena.

Kaytagal pa rin ng ginagawang panunuyo ni Fermin. Kaytagal pa rin ng ginagawang paliwanag bago nakumbinsi ang nagtatampo­ng misis.

kaya lang medyo napatahimi­k niya si Nena ay nang bigyan ng ultimo sa nalalaman niyang romansa brutal, wika nga.

“Ang laki ng naituro sa ‘yo ng impaktang ‘yun, ano?” May selos pa rin si Nena.

“Selos na naman ba ‘yan?”tanong ni Fermin.

“Hindi ka naman kasi ganyan kagaling dati.” May tampo pa rin sa boses ni Nena pero may halo nang paglalambi­ng. “Kahit na noong unang gabi natin, hindi mo yata nagawa ‘yung ginawa mo ngayon.”

“Kaya ka nga dapat ka ring pasalamat kay... sa babaeng ‘yun!”

Kung saan-saan pa uli nagawi ang kanilang pag-uusap na nang lumaon ay humantong din sa isang matamis na pagmamahal­an.

“Dapat na sigurong umalis tayo, dito,” sabi ni Nena. “May kutob kasi akong hindi tayo titigilan ng babaeng ‘yon. Lalo na ngayong may dapat talaga siyang ikagalit sa akin... sa atin.”

Hanggang kinabukasa­n, sa harap ng almusal, ang paksa pa rin nila ay ang kagustuhan ni Nena na umalis na sila sa property na iyon.

“Palagay ko’y dapat ang caretaker nating si Mang Sinto ang kausapin.” Ang tinutukoy ni Fermin ang caretaker na nagsa-ayos para mabili nila an ariariang iyon.

“Pa’no kung hindi na pumayag si Mang Sinto na ibalik natin ito?” tanong ni Nena.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines