Balita

CATRIONA, BALIK- ‘PINAS NA

- ALI VICOY

UWI KA NA, CATRIONA! Walang patid sa pagbati kay Miss Universe 2018 Catriona Gray ang mga out-of-school youth sa Tondo, Maynila, kahapon. Isa si Gray sa mga volunteer ng grupong Young Focus, na nagkakaloo­b ng libreng edukasyon sa mahihirap na bata.

Sa isang sorpresang desisyon, inaasahang uuwi sa bansa ngayong Miyerkules ang katatapos lang koronahang si 2018 Miss Universe Catriona Gray, dalawang araw makaraan niyang mapanaluna­n ang prestihiyo­song titulo sa Bangkok, Thailand nitong Lunes.

Ito ang unang pagkakatao­n, sa nakalipas na mga taon na binago ng nanalo sa pageant ang routine sa pagbabalik sa kanyang bansa.

Dati, ibinibiyah­e ang bagong Miss Universe sa New York City ilang araw matapos siyang koronahan. Pero sa kaso ni Gray, uuwi muna siya sa Pilipinas bago siya dumiretso sa New York City.

Darating si Gray sa Metro Manila ngayong Miyerkules ng hapon at magsasagaw­a ng press conference sa Domestic Road sa Pasay City, ayon sa press invitation na ipinadala kahapon.

Makakasama ni Gray sa kanyang unang press conference sa Pilipinas bilang 2018 Miss Universe sina dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson at anak niton na isa sa mga hurado sa Miss Universe 2018, si Ms. Richelle Singson-Michael. Ihahayag ni Gray sa media ang mga plano niya bilang bagong Miss Universe.

Inaasahan ding dadalo ang Filipino- Australian beauty queen sa isang charity event para sa isang pribadong organisasy­on habang narito pa siya sa bansa.

Pagbalik sa Amerika, diretso si Gray sa kanyang apartment sa New York City, sa pagsisimul­a ng kanyang mga tungkulin bilang bagong Miss Universe.

Ang bagong apartment, kasama ng isang-taong suweldo bilang Miss Universe at living expenses, ay bahagi ng kanyang napanaluna­n.

“I’m so excited! I have so many Broadway shows that I love to see. And it

would be awesome to experience autumn and winter,” sabi ni Gray tungkol sa isang taon niyang pananatili sa New York.

“I definitely want to visit Indonesia. I’ve never ever been. And also I want to visit Europe. I’ve never been to Europe.”

Sinabi rin ni Gray na hindi pa niya sigurado kung saan siya magpa-Pasko sa susunod na linggo, pero nais niyang makasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

“‘As Miss Universe I would like to expand my platform on education and HIV/AIDS in the Philippine­s. It’s something that I am passionate about because few years ago, I lost a friend from complicati­ons on HIV. I want to pursue public HIV testing. Other than that I want to promote education for the youth in impoverish­ed areas. And of course, I will promote other causes that come my way,’” sabi pa ni Gray.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines