Balita

Marco Gumabao, never gagayahin ang ama

- Ni REGGEE BONOAN

SA pocket interview kay Marco Gumabao para sa pelikula nila ni Anne Curtis Smith-Heussaff na Aurora sa Viva Office kahapon ay nabanggit ng binatang aktor na pangako niya sa sarili at sa pamilya niya na hinding-hindi siya magkakaana­k nang hindi pa nagpapakas­al.

Natanong kasi ang aktor kung sino ang karelasyon niya at sinabi niyang very much single siya ngayon at puro dating lang muna.

“I dated this year pero non-showbiz. But now, I’m like today, wala talaga,” pagtatapat ng binata.

“Gusto kong i-break ‘yung (pagiging babaero ng tatay niya, si Dennis Roldan)

na isa lang ang asawa ko, isa lang ang ina ng mga anak ko. Hindi ako magkakaana­k before marriage, dapat kasal muna,” ito ang diretsong sabi ni Marco nang tanungin kung katulad din siya ng papa niya na may mga anak sa tatlong babae.

Sa edad na 24 ay sigurado si Marco na wala siyang anak dahil cautious siya pagdating sa mga bagaybagay.

Tanggap na raw nina Marco na may half-siblings siya at okay naman silang lahat maski hindi nagkikita, dahil ‘yung iba ay nasa ibang bansa at ‘yung iba naman ay may mga asawa na. Sila na lang nina Michelle Gumabao, isa sa top 15 sa Miss Globe 2018 at Ate Kat

niya ang magkakasam­a sa bahay nila.

Anyway, ilang araw na lang at Pasko na kaya natanong si Marco kung paano nila ito ipagdidiwa­ng dahil wala sa piling nila ang ama na nasa kulungan.

“Well, kami naman ay medyo nasanay na rin and as much as possible ay free naman kaming mag visit. So kaming lahat, we go to him. ‘Yung mom ko naman every week pumupunta sa kanya (Dennis). “Going 4th (na hindi kapiling ang ama sa Pasko), well medyo mahirap, medyo nasanay naman kami kasi ‘yung mom ko, masipag naman siyang mag-visit. ‘Yung kuya ko kasi malapit, nakatira sa kanya kaya siya ‘yung pumupunta sa kanya. Saka si Tita Isabel (Rivas), nandoon.” Samantala, klinaro ni Marco na magkaibiga­n lang sila ni Janella Salvador at walang namamagita­n sa kanila. Kamakailan kasi ay kumalat ang video na magkasama sila sa isang restaurant sa BGC at napagusapa­n daw nila ng aktres na patayin na nila ang isyu para hindi na lumaki pa. Nahihiya rin daw si Marco kay Elmo Magalona.

“Nu’ng ABS-CBN Christmas Special, nilapitan ko si Elmo kasi napansin ko parang hindi kami nagpapansi­nan kaya lumapit ako at nag-sorry ako regarding the video na kasama ko si Janella, sabi ko wala ‘yun at magkaibiga­n lang kami.

“Sabi naman ni Elmo na na-appreciate niya ‘yung paglapit ko sa kanya,” kuwento ng young actor. Pero hindi pa rin isinara ng aktor na kung sakaling dumating ang araw na libre na lahat at naramdaman niyang gusto niya si Janella ay posible naman daw na ligawan niya ang dalaga. Pero kasi ngayon, “magkaibiga­n lang talaga kami.”

 ??  ??
 ??  ?? Marco
Marco

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines