Balita

Sino ang ‘good kisser’ kina Toni at Alex?

- Reggee Bonoan

PAREHONG leading ladies ni Sam Milby ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga sa pelikulang Mary Marry Me kaya hindi naiwasang tanungin kung paano niya pagkukumpa­rahin ang dalawa.

“They’re actually a lot alike but they’re very different. Si Alex is like 10 times version of Toni. Si Toni is the subtle (version) but silang dalawa they’re so intelligen­t and they’ve so much confidence but Alex is very energetic,” sabi ni Sam.

Pagkasagot ng aktor ay sinundot kaagad siya ni Alex sabay tanong ng: “Who’s the good kisser?”

Natigilan si Sam at napangiti na lang sa magkapatid.

Sumaklolo naman kaagad si Toni sabay sabi kay Alex, “Ikaw ba ang press? Bakit nagdadagda­g ka ng question?”

Hiniritan ulit si Sam kung upper or lower lip ang gusto niyang halikan at sumagot ito ng lower.

Mabilis na sabi ni Alex, “It’s yours”. Samantala, nagpasalam­at si Sam dahil sa pagkakapil­i sa kanya ni Direk Paul Soriano para sa Mary Marry Me dahil muli niyang nakatrabah­o ang dati niyang ka-love team noong nagsisimul­a palang siya sa showbiz, ang misis nitong si Toni.

Oo nga, halos lahat ng partnershi­p nina Sam at Toni ay blockbuste­r tulad ng mga pelikulang You Are The One (2006), You Got Me (2007), My Only You (2008) at My Big Love

(2008). Bagamat hindi sila ang bida ay sila naman ang magka-partner sa Ang Tanging Pamilya (2009).

Ito rin ang dahilan kung bakit kinuha ni Direk Paul si Sam sa pelikula dahil naniniwala siyang malakas ang tandem nila ng asawa niya. Maging siya umano ay napabilib na mahal nina Toni at Sam ang isa’t isa nang mapanood niya ang My Big Love.

Anyway, klinaro rin ng aktor na wala siyang pelikulang tinanggiha­n for Metro Manila Film Festival entry para mag-give way sa Mary, Marry Me.

“As far as I know, wala naman pong offer for me. This is the only one na in-offer po sa akin,” sagot ng aktor nang tanungin siya.

Mapapanood na ang Mary, Marry Me sa Disyembre 25, handog ng Ten17 at TINCAN Production­s sa direksyon ni RC delos Reyes.

Bukod kina Toni, Alex at Sam, kasama rin sa pelikula sina Melai Cantiveros, Moi Bien

at Bayani Agbayani.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines