Balita

Arrest all Angkas riders—DOTr chief

- Alexandria Dennise San Juan

Parusa ang naghihinta­y sa mga Angkas bikers na hindi tumatalima sa utos ng Korte Suprema, kapag naaktuhan ito ng mga awtoridad sa patuloy na pamamasada.

Ito ang banta ni Department of Transporta­tion (DOTr) Secretary Arthur Tugade matapos niyang iutos sa Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) na paigtingin ang operasyon ng ahensiya laban sa mga Angkas bikers.

“Arrest all Angkas riders who will violate [the law]. It is not right that Angkas will violate the law and the order from the SC (Supreme Court). That is wrong. When the court issued a temporary restrainin­g order (TRO) against DOTr, we heed. We hope that they will follow too. The rule of law must always prevail,” banta ni Tugade.

Nitong Disyembre 5, naglabas ang Korte Suprema ng TRO laban sa preliminar­y injunction ng Mandaluyon­g Regional

Trial Court (RTC) na nagpapahin­tulot sa ahensiya na hulihin ang mga bikers at operator ng motorcycle-hailing company.

Sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema, nanindigan ang Angkas na magpapatul­oy ang operasyon nito.

“The DOTr strongly urges Angkas operators and bikers to adhere to the high court’s TRO, in the same manner that government agencies dutifully complied with the previous order by the Mandaluyon­g RTC, which sustained Angkas operations then,” pahayag ng ahensiya.

Ayon kay Tugade, mahaharap sa multang P6,000, tatlong buwang pagkakumpi­ska ng motorsiklo, at pagkakabla­cklist sa pagkuha ng prangkisa sa LTFRB ang mga bikers at operator na mahuhuling nagpapatul­oy sa pamamasada.

Samantala sa kabila ng banta, legal na tulong ang siniguro ni George Royeca, head of regulatory and public affairs ng Angkas, sa kanilang mga bikers na mahuhuli.

“We will support all of our bikers to the extent of the law. We will give as much assistance as long as it is within the law. Kung ano ang kailangan nating gawin, basta mailigtas ang ating bikers, gagawin natin basta nasa batas. If it is paying fines or anything around that, basta nasa batas tutulungan natin ang mga bikers natin,” aniya.

Usapin ng kaligtasan ang sinasabing dahilan ng LTFRB sa pagharang nito sa operasyon ng Angkas.

Binanggit din ng LTFRB na sa ilalim ng Republic Act No. 4136 o ang Land Transporta­tion and Traffic Code, hindi maaaring gamitin sa pamamasada o pagsasakay ng mga pasahero ang mga two-wheeled vehicles.

Gayunman, iginiit ni Royeca na “[they are] taking safety very seriously” sa pamamagita­n ng mga pagsasanay at seminar sa mga biker.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines