Balita

Kelot sugatan sa pulis na ‘trigger-happy’

- Ni ERMA R. EDERA

Arestado ang isang pulis-Maynila matapos ang habulan nang masangkot sa pamamaril sa Ermita, Maynila nitong Disyembre 16.

Si Police Officer 2 Bernardino Cruz, 48, na nakatalaga sa Manila City Hall Action and Special Assignment at anak ng barangay chairman sa Tondo, ay nagmamaneh­o ng silver Toyota

Innova (ABR-4661) nang damputin sa panulukan ng Reina Regente at Felipe streets sa Binondo, Maynila nitong Linggo, dakong 5:00 ng madaling araw.

Bago ang habulan, hinihintay ni Cruz ang kanyang kasama sa tapat ng isang restaurant sa Ermita nang mapagkamal­an siya ni Archie Solatorio, 26, at mga kaibigan nito

bilang Grab driver.

Sinabi ni Cruz na ipinagpili­tan niya sa grupo ni Solatorio na hindi siya Grab driver. Sinabi rin niya na pinagtulun­gan siya ng grupo. At aksidente niyang naiputok ang baril, at tinamaan si Solatorio.

Lasing umano si Cruz nang maganap ang insidente.

Isinugod si Solatorio sa Manila Doctors Hospital para lapatan ng lunas.

Ayon kay MPD General Assignment and Investigat­ion Unit Chief Inspector Henry Navarro, kinasuhan si Cruz ng frustrated murder noong nakatalaga pa siya sa MPD Station 1 noong 2008.

Isang bala mula sa baril ni Cruz, na nakipagbar­ilan sa isang negosyante, ang nakapatay sa isang 8-anyos na lalaki sa Tondo, Maynila noong Setyembre 9, 2008. Sugatan din ang negosyante sa insidente.

Nananatili­ng nakabimbin sa Korte Suprema ang kaso laban kay Cruz.

Samantala, ipinag-utos ni Manila Police District (MPD) director Senior Superinten­dent Vicente Danao, Jr. ang pagsasampa ng kasong administra­tibo laban kay Cruz.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines