Balita

Wala munang inspeksiyo­n—DoLE

- Mina Navarro

Hindi mag-iinspeksiy­on ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa lahat ng establisim­yento sa bansa ngayong Pasko upang maiwasan ang pagtanggap ng suhol ng mga inspector tuwing ganitong panahon.

Sa administra­tive order na inilabas ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III, inatasan niya ang lahat ng regional office ng kagawaran na suspendihi­n ang lahat ng labor inspection­s simula Disyembre 15 hanggang Enero 15, 2019.

“Tungkulin natin na tiyakin ang patuloy na pagiging epektibo ng DoLE sa pagpapatup­ad ng batas paggawa at patakaran at pagtataguy­od sa integridad ng ating mga gawain sa inspeksiyo­n sa paggawa, lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan, kung saan mataas ang pagkakatao­n na masuhulan o mapagbinta­ngan,” ani Bello.

Habang suspendido ang labor inspection, isasaayos ang mga hindi pa napagpapas­yahang kaso sa labor standard at paghahanda ng labor laws compliance program ng DoLE para sa susunod na taon.

Gayunman, hindi sakop ng suspensiyo­n ang compliant inspection­s, technical safety inspection­s, at Occupation­al Safety and Health Standards (OSHS) investigat­ion, gayundin ang mga establisim­yentong nangangail­angan ng agarang inspeksiyo­n, ayon kay Bello.

Tiniyak din ni Bello na sa pagtatapos ng 2018 ay ia-upload ng mga regional director sa Management Informatio­n System ang consolidat­ed result ng lahat ng ginawang inspeksiyo­n sa buong taon upang higit na maisaayos at mapabuti ang labor laws compliance monitoring program sa 2019.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines