Balita

Mekanikong tirador ng motorsiklo, todas

- Orly L. Barcala

Patay ang isang mekaniko nang manlaban sa mga pulis matapos umanong nakawin ang isang motorsiklo sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Binawian ng buhay habang nilalapata­n ng lunas sa Valenzuela City Medical Center si Benjamin Bryan Taroy, 34, ng No. 1017 Acuna Compound, Que Grande, Barangay Gen. T. De Leon sa nasabing lungsod.

Si Taroy ay nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan makaraang barilin ng mga operatiba ng Anti-Carnapping

Unit ng Valenzuela Police.

Una rito, tinangay umano ni Taroy ang motorsiklo ni Abner John Amerao, 20, sa Bgy. Gen. T. De Leon.

Nagsumbong ang biktima kay Police Chief Insp. Jose R. Hizon at itinuro kung saang lugar pumasok ang suspek nang tangayin ang kanyang motorsiklo.

Pagsapit ng 2:30 ng madaling araw, nagtungo ang mga awtoridad sa 1017 Compound, Que Grande para hulihin si Taroy, ngunit paglapit ng mga pulis ay pinaputuka­n na sila nito.

Gumanti ang mga parak at bumulagta si Taroy.

Sa panayam kay SPO3 Ray Bragado, ng Station Investigat­ion Unit (SIU), nasa shop ng suspek ang motorsiklo ni Amerao.

Nakuha sa suspek ang isang .38 caliber na baril.

“Talagang tirador daw ng motor itong napatay, kasi karamihan ng piyesa ng motor na nakita sa kanya ay nakaw, eh,” pagtatapos ni SPO3 Bragado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines