Balita

Masayang pagtatapos ng 2018

-

MASAYA ang pagtatapos ng 2018 dahil sa maraming bagay.

Matapos ang buong taon ng walang patumangga­ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, tila tapos na ang problemang ito ngayon. Ang tila walang katapusang matitindin­g bagyo at kalamidad ay tila nagwakas na rin, bagamat nananatili ang cold front na nagdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa. Nag-uumapaw naman sa mga tao ang mga simbahan sa buong bansa sa pagsisimul­a ng Simbang Gabi nitong Linggo.

Ang huling mga araw ng taon para sa Kamara at Senado ay nagtapos sa patuloy na pagpapalit­an ng mga bintang ng kurapsiyon sa paghahanda para sa pambansang budget, ngunit hindi nito nahigitan ang dati nang mga una nang nabunyag. Habang tila binalewala ang mapait na debate hinggil sa pederalism­o at ang alegasyon ng pulitikal na manipulasy­on.

At siyempre, mayroon tayong bagong internatio­nal beauty queen—ang ating ikaapat na Miss Universe nasi Catriona Gray ng Oas, Albay.

Ang pagbabalik ng mga kampana ng Balangiga ang nakakuha ng pambansang atensiyon at ikinatuwa ng maraming Pilipino. Una sa lahat, isa itong makasaysay­ang kaganapan—ang pagpapabal­ik sa bansa ng mga kampana ng simbahan makalipas ang mahigit 117 taon na kinuha bilang tropeo ng digmaan ng mga Amerikanon­g sundalo sa digmaang PilipinoAm­erikano sa pagbabago ng siglo.

Sa opisyal na seremonya para sa pagbabalik ng mga kampana sa simbahan ng Balangiga sa Samar, nakiisa si Pangulong Duterte sa mga opisyal ng Simbahang Katoliko na pinamumunu­an ng kanyang spiritual adviser, si Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippine­s. Nakipagkam­ay din siya sa Papal Nuncio at sa iba pang opisyal ng Simbahan.

Puno ng papuri ang Pangulo sa pamahalaan ng Amerika, na dati niyang sinabihan ng masasakit na salita. “The bells are returnes and the credit goes to the American people and the Filipino people,” aniya. Ang hakbang ng gobyerno ng Amerika “opens a new and vibrant chapter in the two countries’ bilateral relations” Isa itong “milestone in the shared and meaningful history of the United States and the Philippine­s,” aniya pa.

Ilang linggo na lamang, magsisimul­a na ang 2019 at umaasa tayo na magpapatul­oy ang mataas at positibong pananaw na nasaksihan natin sa mga huling linggong ito. Umaasa tayong mapanatili ng pamahalaan ang tuluy-tuloy na pagbaba ng inflation, masolusyun­an ang lahat ng mga problema hinggil sa pambansang budget nang wala ang mga iregularid­ad na nagmarka sa dating pagdinig sa budget at desisyon, gayundin ang pagkamit ng isang desisyon para sa ating Konstitusy­on kung saan patuloy na lalago ang bansa sa kalayaan.

At umaasa tayo na hindi na natin madadala ang poot ng nakalipas sa ugnayan ng pamahalaan sa ilang sektor ng lipunang Pilipino at ng mundo, at higit na positibong diwa na ipinakita sa seremonya na nagmamarka sa pagbabalik ng mga kampana ng Balangiga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines