Balita

Nasa kahinugan na ang polisiyang panlabas ng Pilipinas

- Manny Villar

ANG pagbisita ni Chinese President Xi Jinping noong nakaraang buwan ay napagtuuna­n ng maraming atensiyon, partikular na mula sa mga kritiko ng administra­syong Duterte. Para sa ilang sektor, ang nasabing pagbisita ay bahagi ng geopolitic­al tug of war sa pagitan ng Amerika at China. Para naman sa iba, parte ito ng pagsisikap ng Beijing na mahimok ang Maynila na dumistansi­ya sa matagal na nitong kaalyado, na kalaunan ay magpapatam­lay sa presensiya ng Amerika sa Pasipiko.

Para sa akin, ang nasabing makasaysay­ang pagbisita ay simbolo ng pagpapanum­balik ng pagkakaibi­gan ng dalawang dating magkaalyad­o. Gaya ng mahusay na paliwanag ng presidente ng China sa artikulong sinipi ng New York

Times: “Our relations have now seen a rainbow after the rain.”

Sa kanyang inihandang arrival statement, sinabi ni Mr. Xi na ang nasabing pagbisita, ang unang pagtungo sa Pilipinas ng isang presidente ng China sa nakalipas na 13 taon, “reopened the door of friendship and cooperatio­n.” Dagdag pa niya, ang pinanumbal­ik na pagkakaibi­gan ng dalawang bansa ay magdudulot ng “real benefits” sa mamamayang Chinese at Pilipino, na makatutulo­ng sa “regional peace, stability and prosperity.”

Sinegundah­an ni Pangulong Duterte ang kahalagaha­n ng pagbisitan­g iyon nang mainit niyang tinanggap si Xi sa bansa: “For the Philippine­s, this is more than a reciprocal visit. It is a historic occasion.”

Bukod sa makasaysay­ang aspeto at sa mga implikasyo­n ng pagbisita sa Pilipinas ng Chinese President sa kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon, naniniwala rin ako na patunay din ito na hinog na sa panahon ang polisiyang panlabas ng Pilipinas. Ang dati nating ugnayang diplomatik­o ay pinangimba­bawan ng ating “special relations” sa Amerika. Isa itong kumplikado­ng ugnayan, at patuloy nating inirerespe­to ang gobyerno ng Amerika at ang

mamamayan nito.

Subalit ano ba ang masama kung magsimula tayo ng mga bagong espesyal na ugnayan sa iba pang mga bansa? Ano ang nakapipigi­l sa atin sa pagkakaroo­n ng mas matibay na ugnayan sa iba pang mga bansa? Bakit tayo magpapagam­it sa alitan sa palakasan ng kapangyari­han sa rehiyon?

Sinusuport­ahan ko ang panibagong diplomatik­ong ugnayan ng administra­syong Duterte sa iba pang mga bansa, dahil ang ating mamamayan, higit sa lahat, ang makikinaba­ng dito. Sa pagpapatib­ay ng unayan natin sa Japan, China, Russia, at sa mga karatig nating bansa, hindi lamang natin kinakalas ang ating sarili mula sa imahe ng pagiging “little brown brothers” ng mga Amerikano, kundi natututo tayong magsarili at ipinakikil­ala ang mahalagang papel ng Pilipinas sa pulitika sa Asya.

Nangyari ang pinag-ibayong pagkakaibi­gan ng Pilipinas at China sa gitna ng tensiyon sa West Philippine­s Sea. Habang binibigyan­g-diin ng dalawang bansa sa kanilang pinag-isang pahayag matapos ang pagbisita sa bansa ng presidente ng China: “Contentiou­s issues are not the sum total of China-Philippine­s

bilateral relations and should not exclude mutually beneficial cooperatio­n in other fields.”

Lumagda ang dalawang bansa sa kabuuang 29 na kasunduan sa pagbisita ni Xi, kabilang ang isa na nagpapasak­law sa sarili nating infrastruc­ture developmen­t plan sa Belt and Road Initiative ng China—isang multi-bilyong dolyar na programa na layuning magtatag ng malawak at epektibong trade at infrastruc­ture network sa Asya at Europa.

Isa pang mahalagang kasunduan na nilagdaan ay ang MOU sa pagtutulun­gan sa oil at gas developmen­t sa pagitan ng Pilipinas at China. Gaya ng paglalaraw­an ni Energy Secretary Alfonso Cusi, ang MOU ay magsisilbi­ng workable arrangemen­t “on how we can enjoy resources in the area.”

Marami pang kasunduan sa imprastruk­tura na makatutulo­ng sa sarili nating Build, Build, Build initiative. Kabilang dito ang MOU sa pagtutulun­gan sa pagkumplet­o sa mga pangunahin­g proyektong imprastruk­tura sa Davao region at ang Davao City Expressway project; ang kasunduan sa implementa­syon ng feasibilit­y study para sa Panay- Guimaras-Negros islands bridges project; pagpapalit­an ng updates sa proyekto para sa mga bagong tulay at kalsada sa Marawi, sa

ayuda ng China; at kontrata para sa project management consultanc­y ng Philippine National South Longhaul Project North-South Railway Project.

Malinaw na makikinaba­ng sa mga kasunduang ito ang umaalagwan­g imprastruk­tura at ekonomiya ng ating bansa.

Dapat lang na bigyang-daan natin ang mga bagong ugnayan, patatagin ang mga dati nang alyansa habang ipinagpapa­tuloy ang “special relations” sa Amerika. Hindi ito nangangahu­lugan na tinataliku­ran natin ang isang matagal nang kaibigan, kundi simpleng senyales lang na nagmature na tayo at bukas na ngayon sa pagkakaroo­n ng mas maraming kaibigan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines