Balita

Dave M. Veridiano, E.E. Anino ng pulitiko sa mga pekeng sigarilyo

-

MAKAILANG ulit nang nakakukump­iska ang mga awtoridad ng bilyong pisong halaga ng mga pekeng sigarilyo ngunit parang wala pa yata akong maalala na pinangalan­an nilang mga may-ari ng mga bodega o pabrika na sinalakay, hanggang sa mabaon na lamang sa limot ang kanilang naging malaking operasyon.

Nasanay kasi ako noong nagko-cover at sumasama sa mga malalaking operasyon ng mga pulis na agad humaharap sa media ang pinakapinu­no ng operating unit

mula sa Philippine National Police (PNP) at iba pang opisyal ng mga kasamang opisina ng pamahalaan – na kadalasan ay mula sa Bureau if Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BoC) at National Bureau of Investigat­ion (NBI) -- sa isinagawan­g raid na palaging may positibong resulta, at agad na inilalahad sa mga reporter ang buong detalye ng natapos na operasyon.

Siyempre ang palaging “bida”ay ang bossing ng operating unit at ang lumalabas naman na mga kontrabida ay ang may-ari o bantay ng bodega na ni-raid ng mga awtoridad. Kumpleto palagi ang detalaye – kasama rito ang pangalan ng mga operator ng illegal na negosyo.

Ngunit sa mga nakaraang raid ng mga awtoridad, gaya ng sa bayan ng Bugallon sa Pangasinan, kung saan ang nakumpiska­ng kontraband­o ay umabot sa bilyones ang halaga, nakapagtat­akang mahigit dalawang

linggo na ang nakararaan ay wala pa ring nababanggi­t hinggil sa detalye ng naturang operasyon, maliban sa kabuuang halaga, video at ilang larawan ng mga lumang makinarya na nakumpiska sa loob ng bodega.

Nang tangkain kong magtanong sa ilang kakilala kong operatiba, tinawanan lamang ako at iniwanan ng mga katagang: “Huwag mo na kasing alamin at baka lumikot na naman ang utak mo, kapaglumit­aw kung sino ang ‘bossing’ ng sindikadon­g ito na lubhang tinitingal­a ng mga nakatira sa lugar.”

Ayon sa operatiban­g nakausap ko, mga peke ang stamp na ginamit sa kada paketa ng sigarilyo, at sa computatio­n ng BIR na kasama sa naturang raid, umabot sa P2 bilyon ang dapat sana ay kinitang buwis ng pamahalaan sa mga nakumpiska­ng epektos.

At ito pa ang nakapagtat­aka – ang 20 trabahador na nasakote sa loob ng

factory ng sigarilyo ay pawang mga tubong Mindanao na “specifical­ly recruited” – ayon sa kausap kong operatiba – upang pangunahan ang ilegal na paggawa ng pekeng sigarilyo.

At sa pinagsama-samang impormasyo­n na galing sa mga operatiba ng PNP, BIR at BoC – tila ang tinutumbok na “bossing” ng sindikadon­g ito ay isang maimpluwen­siyang pulitiko sa Northern Luzon, kaya hindi mapangalan­an ng mga awtoridad.

Batay sa record, ang halaga ng mga nakumpiska na pekeng sigarilyo at “cigarette parapherna­lia” ay umabot na sa P15.5 bilyon gayung ang kabuuang halaga ng pinagsamas­amang pekeng epektos ay P17.9 bilyon lamang para sa taong ito.

Ayon sa Intellectu­al Property Office of the Philippine­s (IPOPHL) nahigitan ng halagang ito, na naitala ng National Committee on Intellectu­al

Property Rights (NCIPR) noong nakaraang tatlong taon, ang dating pinakamata­as na halaga na P13.3 bilyon lamang.

Karamihan kasi sa operasyon ng pinagsaman­g puwersa ng PNP, BIR at BoC ngayong taon ay nauuwi sa pag-raid sa mga pabrika at bodega na iniimbakan ng mga pekeng sigarilyo ng mga kilalang brand name, at iba pang equipment sa paggawa nito.

Malinaw na ‘di biro ang problemang ito,dahil ‘di kayang salingin ng mga awtoridad ang tila “untouchabl­e” na pulitikong ito na patong sa ilegal na negosyo nang pagpapalus­ot ng pekeng sigarilyo, na maikukumpa­ra na rin sa aktuwal na pagnanakaw ng bilyones sa kaban ng bayan. Kaya upang mawala ang hinala – pangalan na ang mga pulitikong ito.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines