Balita

Pamilya ni Alden, sa Japan magpa-Pasko

- Nora V. Calderon

NASA Japan na ngayong December 19 ang Pambansang Bae na si Alden Richards!

Tweet ni @aldenricha­rds02 kahapon ng umaga, December 18: “Officially... Bakasyon na ako!!! Maligayang Pasko!!!”

Tweet back naman ng daddy niyang si Richard Faulkerson Sr: “Baba na diyan. Pirmapirma na ulit boss.”

May isa pang aliw na komento ang Daddy ni Alden: “Maghuhugas ka pa ng plato!”

Kagabi, December 18, umalis si Alden kasama ang kanyang family. Unang balak ni Alden ay sa San Francisco, California sila magbabakas­yon dahil naroon na ang Lola Linda niya. Pero minabuti ni Alden na sa Japan na sila pumunta, dahil hindi na kaya ng kanyang Lolo

Danny ang long flight kung tumuloy silang magbakasyo­n sa San Francisco.

Hindi kasi iiwan ni Alden ang lolo niya, kaya kasama rin nila ang caregiver nito.

Kasama rin nila ang younger sister niyang

si Angel at ang kanyang Nanay/ Yaya Virgie. Naiwan ang sister niyang si Risa dahil may training pa ito para sa McDonalds franchise niya, na bubuksan na next year.

Kaya magkikita-kita na lang sila rito ng Lola Linda niya sa New Year dahil babalik sina Alden ng December 28. Hindi kasi nakakalimu­tan ni Alden ang pangako niya sa pagsalubon­g ng New Year na nagtatraba­ho siya, sa GMA Network New Year’s Countdown sa SM Mall of Asia. Pang-eight year na niyang ginagawa ito kahit umuulan, dahil para sa kanya ay blessings ito.

Enjoy your White Christmas, Alden!

 ??  ?? AAldldeenn
AAldldeenn

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines