Balita

GMA, may 4 na bagong TV shows sa 2019

- Nora V. Calderon

RATSADA ang production staff ng GMA Network dahil malapit na ang Christmas break. Apat na shows kasi ang papasok sa 2019, sa afternoon prime at sa primetime block, kaya may mga advanced tapings na rin silang ginagawa pagpasok pa lang ng December. Nagsimula nang mag-taping ang cast ng

Inagaw Na Bituin, na muling pagsasamah­an nina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz, matapos ng mga tarayan at pisikalan nila noon sa Ika- 6 Na Utos.

After naman ng classes niya, magte-taping na rin si Therese Malvar bago ang Christmas break. Sila ni Kyline Alcantara ang tampok sa afternoon prime na papalit sa Ika-5 Utos. Kaya pala tinanggal na ang character ni Migo Adecer sa Ika-5 Utos, dahil siya ang magiging katambal nina Therese at Kyline. Ang Inagaw

na Bituin ay ididirehe ni Mark Reyes.

Sa Bacolod naman pumunta sina Carmina Villarroel, John Estrada at Glydel Mercado para sa taping ng Cara Mia, na magtatampo­k kina

Barbie Forteza at Mika dela Cruz, na gaganap na kambal. Kasama rin sa serye si Jak Roberto, sa first time na pagtatamba­l nila ng girlfriend niyang si Barbie. Papalitan ng Cara Mia ang

Onanay, at ididirehe ni Albert Langitan.

Nagsimula na ring mag-taping ang teleserye na papalit sa My Special Tatay. Hindi pa puwedeng sabihin ang title ng bagong afternoon prime, dahil may babaguhin pa sa script.

Then, isa rin sa sisimulan ang first project together ng dalawang mahuhusay na artista, sina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado, sa romantic-comedy series na may working title na Luv U 2, na may papasok pa yatang isa pang big star dito.

Nitong Lunes, nagsimula na ring mapanood ang highest rating Korean drama na My Golden Life, na two years ipinalabas sa Korea, kapalit ng Pamilya Roces. Ang Kapuso stars na sina

Ken Chan, Sanya Lopez, at Bruno Gabriel ang nag-dub ng mga eksena ng Koreanovel­a, na napapanood na pagkatapos ng Onanay.

 ??  ?? Sunshine at Angelika
Sunshine at Angelika

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines