Balita

Jeff Bridges, tatanggap ng lifetime achievemen­t honor sa Globes

-

TATANGGAP ang Oscar-winning actor na si Jeff Bridges lifetime achievemen­t award sa Golden Globes ceremony sa Enero para a kanyang wide range of work, mula sa Western True Grit sa comedy na The Big Lebowski, inihayag ng Hollywood Foreign Press Associatio­n nitong

Lunes.

Gagawaran si Jeff ng HFPA ng Cecil B. DeMille Award, isang annual accolade na iginagawad sa personalid­ad na nagbigay ng “lasting impact” sa mundo ng pelikula.

Ang 69 taong gulang na aktor ay naging nominado para sa limang Golden Globes at nagwagi ng isa para sa kanyang pagganap bilang isang laos na country music star sa 2009 drama na Crazy Heart. Ang performanc­e niya ring ito ay nakatangga­p ng Best Actor award sa Oscars.

Tanyag naman ang kanyang karakter bilang “The Dude” sa Big Lebowski noong 1998.

“Bridges’ brilliant body of work across diverse genres has captured the hearts and minds of audiences worldwide for more than six decades,” lahad ni HFPA President Meher

Tatna sa isang pahayag.

Ang DeMille Award ay ipinangala­n sa influentia­l Hollywood director na naging tanyag sa silent at sound era ng pelikula. Ang mga naunang nagwagi ng kaparehas na parangal ay sina Oprah Winfrey, George Clooney, Robert De Niro, Audrey Hepburn, Harrison Ford, at Meryl Streep.

Igagawad ang parangal sa Enero 6, sa Golden Globes telecast sa Beverly Hills, California.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines