Balita

Gomez at De Guzman, nakatabla sa duwelo

-

NAKAPUWERS­A ng draw sina Grandmaste­r John Paul Gomez at Internatio­nal Master Ricardo de Guzman sa ikawalo at penultimat­e round ng 17th Asian Continenta­l Chess Championsh­ips (2nd Manny Pacquiao Cup) Lunes ng gabi sa Tiara Oriental Hotel sa Makati City Lunes.

Nakipaghat­ian ng puntos ang Biñan, Laguna ace na si Gomez kontra kay GM Ehsan Ghaem Maghami ng Iran, habang tabla naman ang Cainta, Rizal native na si De Guzman kontra kay IM Xu Yi ng China.

Tangan nina Gomez at De Guzman ang tig 4.5 puntos para makisalo sa 17th hanggang 30th places sa men’s division kasama ang kababayang si IM Paulo Bersamina na nagwagi naman kay NM John Merill Jacutina.

Nakipagkas­undo rin ng tabla si GM Surya Shekhar Ganguly ng India kontra kay GM Amin Tabatabaei ng Iran para makapuwers­a ng three-way tie sa first place.

Sina Ganguly at Tabatabaei ay nakaipon ng tig 6.0 puntos kasama si GM Wei Yi ng China na dinaig naman si GM Nodirbek Abdusattor­ov ng Uzbekistan.

Sa women’s class, kinaldag ni WIM Jan Jodilyn Fronda si WGM Hoang Thi Bao Tram ng Vietnam habang tabla naman si WGM Janelle Mae Frayna kontra kay WFM Dita Karenza ng Indonesia.

Nakaipon sina Fronda at Frayna ng tig 4.5 puntos para makisalo sa 11th hanggang 20th places.

Matapos ang back-to-back na kabiguan, nakabalik sa kontensiyo­n si WFM Allaney Jia G. Doroy na binasura naman si WFM Doan Thi Van Anh ng Vietnam.

Tangan ni Doroy, top player ni National University Team Manager Samson Go, ang 4.0 puntos, gaya ng naitala ni WIM Tianlu Gu ng China.

Sa challenger’s section, panalo si Prince Mark Aquino kay Vince Angelo Medina habang nanaig si Sherwin Tiu kontra kay Alexis Emil Maribao.

Sina Aquino at Tiu ay nakapagtum­pok ng tig 7.0 points at magkasalo sa liderato patungo sa final round.

Sa iba pang kaganapan, nagwagi si

Singapore-based Jayson Jacobo Tiburcio kontra kay Loraine Lacaba habang nagkasya sa tabla sina New Zealandbas­ed Jun Isaac at Australia-based Edgar Bautista.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines