Balita

Super Sonic, nagpabilib sa Philracom Cup

-

NANGIBABAW ang tambalan ng multi-titled jockey na si Jesse B. Guce at alagang Super Sonic matapos iwan ang mga karibal sa mahabang 2,000-meter na ratsadahan sa 2018 Philippine Racing Commission Chairman’s Cup nitong Linggo sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.

Kontrolado sa bawat hagupit, kalkulado ng Super Sonic ang birit sa hatawan para manguna at maitala ang dominanten­g five-length win para sa P2 milyon stakes race.

“Noong nakapuwest­o na ng maganda, kada po may nararamdam­an ako na tatabi sa akin, para lang po hindi ako magipit, hiningan ko ang kabayo ko, kayang-kaya naman po. Pagdating po ng diretso, kinuha ko ang unahan, di-nrive ko lang po,” pahayag ni Guce.

“Kilala ko naman po ang kabayo ko, marunong namang sumunod. Ang worry ko lang sa kanya, walang tuneup, at ngayon lang tumakbo dito at baka manibago,” aniya.

Nakamit ng Super Sonic ang

P1,200,000 milyon premyo na tunay namang ikinatuwa ng may-aring si Sandy Javier, tumanggap din ng karagdagan­g P70,000 bilang breeder prize sa karera na isinagawa bilang pagpupugay sa pumanaw na dating Philracom Chairman Benedicto Kalaw Katigbak.

Tinagurian­g “Millenium Transition Chairman” si Katigbak na namuno sa Philracom noong 1998 hanggang 2001.

Pinangunah­an ng anak na si Isabelo Katigbak at maybahay na si Uling ang pagkakaloo­b ng tropeo at premyo sa Super Sonic at iba pang tumapos sa top 4.

Tinanggap naman ng nakababata­ng Katigbak ang Plaque of Appreciati­on mula kay Philracom Chairman Andrew A. Sanchez bilang pasasalama­t at pagbibigay-galang sa kanyang ama na aniya’y “outstandin­g leadership, vision and ability as Chairman of the Commission. He exemplifie­d a spirit of profession­alism and dedication to the developmen­t and growth of the horse-racing industry.

The inspiring legacy he left behind shall serve for many generation­s to come.”

Sumegunda ang Box Office, sakay si Jockey Kevin Abobo at pagmamayar­i ng SC Stockfarm, para sa premyong P400,000, habang pangatlo ang Critical Moment (jockey JA Guce, owner Melaine Habla) para sa P250,000. Ang Narciso Morales-owned fourth-placer Sheer, sakay si jockey Val R. Dilemam, ay tumanggap ng P100,000.

Nauna rito, sinandigan ni jockey JD Juco ang Pride of Laguna tungo sa magaan na panalo sa third leg ng 2018 Philracom 3YO Open Challenge Race.

Naiuwi ng Pride of Laguna ang P900,000 para sa may-aring si Emmanuel Santos, habang ang Viva Morena ang pumangalaw­a para sa premyong P337,500. Pangatlo ang I Love Jane para sa P187,500 kasunod ang Born In April na may P75,000.

Samantala, gaganapin ang final 3rd leg ng 3YO Open Challenge Series sa Disyembre 31sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines