Balita

Coseteng at Atienza, positibo sa PH Sports

- Annie Abad

SOUTHEAST Asian Games calendar sa 2019 at asahan ang silahis ng pag-asa para sa mga atletang Pinoy na naghahanga­d nang tagumpay sa mundo ng sports.

Kapwa positibo sina dating Sen. Nikki Coseteng at dating Manila Sports Council (MASCO) chairman Ali Atienza sa magandang bukas ng Philippine sports, higit at bahagi nang kanilang programa ang pagpapalaw­ig ng sports sa komunidad at eskwelahan.

“Let’s hope the coming new year in sports will be good to all of us,” pahayag ni Coseteng sa pakikipagu­sap sa mga miyembro at opisyal ng irst Tabloid Organizati­on in Philippine Sports (TOPS) bago ang isinagawan­g Christmas Party ng asosasyon nitong Lunes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

“If our top sports officials will do it right this time, we can have more achievers in all sports, like Jasmine Mojdeh and Marc Bryan Dula in

swimming, next year,” sambit ni Coseteng. “Mas madami kayong magandang balitang sports na maisusulat.”

Iginiit ng dating mambabataw at educator na patuloy ang isinasagaw­ang sports program sa pagmamay-aring Diliman College upang makatulong sa pagtuklas at pagdevelop nang mga batang may talento at galing sa sports tulad nina taekwondo star Japoy Lizardo at basketball stars sa pangangasi­wa ni coach Rensy Bajar.

“In swimming, we hope to continue to make a splash in both local and internatio­nal competitio­ns thru the Philippine Swimming League (PSL) next year,” aniya.

Prioridad din ni Atienza, dating taekwondo champion at chairman ng Manila Youth Games sa panahon ng kanyang pangangasi­wa sa Manila Sports Council (MASCO), ang pagpapaunl­ad ng character ng Manileno sa pamamagita­n ng sports.

“Ibabalik natin ang sigla ng sports sa Manila. Ibabalik natin ang Manila Youth Games. Ibabalik natin ang iba’t ibang paligsahan sa ating lungsod,” pahayag ni Atienza, gold medalist sa 1994 Asian Championsh­ips sa Manila.

“Itutuloy natin ang sinimulan natin sa sports,” aniya.

Ang dating Presidenti­al Adviser on Youth Affairs at tatakbong Copngressm­an sa 5th District of Manila sa susunod na taon.

Nakiisa at nakisaya rin sa selebrasyo­n sina Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) Undersecre­tary Benny Antiporda, Wrestling Associatio­n of the Philippine­s (WAP) president Alvin Aguilar, Pinoy Youth Dreamers (PYD) head Beaujing Acot, Philippine Swimming League (PSL) regional director Joan Mojdeh at NPC officials Paul Gutierrez, Lydia Bueno at Jun Mendoza.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines