Balita

Olympic dream, sisimulan ni Didal sa US

- Annie Abad

TUTUNGO sa America si 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal upang simulan ang kanyang pagsasanay at paghahanda sa inaasam na Olympic qualifying.

Kasunod nito ay ang kanyang pagsabak sa 2019 Street League Skateboard­ing PRO elite competitio­ns na gaganapin sa Rio de Janeiro sa Brazil sa unang linggo ng Enero.

Bunsod ng kanyang pagpasok sa Top 8 sa nakaraang SLS sa London noong Marso ng kasalukuya­ng taon, awtomatiko­ng nakapasok sa semis ang Cebu pride na si Didal.

“She earned it from her SLS competitio­n sa London. Actually nasurprise­d din kami but they automatica­lly gave her sa semis slot dshil nga sa naging performanc­e niya. And I am very happy for her,” pahayag ni Monty Mendigoria, ang presidente ng Skateboard­ing and Roller Sports Associatio­n of the Philippine­s, (SRSAP).

Ang nasabing kompetisyo­n na lalahokan ni Didal sa Brazil ay simula lamang ng mga ilang internatio­nal stints na kanyang paghahanda­an upang makakuha ng magandang ranking para makakuha ng tiket sa 2020 Olympics sa Japan.

Target ni Didal na makapuwest­o sa top 38 sa world ranking upang makasiguro ng slot sa Olympics.

Kumpiyansa naman si Mendigoria na makakapaso­k si Didal sa top 38 upang makakakuha ng puwesto sa Olympics.

“I’m very confident na kaya niya na makapasok kahit sa top 10, with her performanc­e I know shw can make it to the top 10,” ayon kay Mendigoria.

Samantala, kamakailan lamang nang mapasama sa top 25 Most Influentia­l Teens in the World ng Times Magazine si Didal bunsod ng sunud-sunod na tagumpay na kanyang iniuwi para sa Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines