Balita

Marco Gumabao, nanibago sa Batanes

- Reggee Bonoan

NATANONG si Marco Gumabao sa pocket interview ng 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Aurora, na pinagbibid­ahan ni Anne Curtis, tungkol sa shooting nila sa Batanes kung saan muntik na raw maaksident­e ang aktor, base sa kuwento nina Anne at Direk Yam Laranas.

“Marami kaming scenes na nagda-dive sa tubig talaga, kasi nga we’re saving mga patay na katawan,” kuwento ni Marco.

“May shoot kami sa Batanes na raging water talaga, nasa gitna kami ng dagat and then siyempre mga cameras namin,

Go Pro lang, eh. Mahirap kasi ang lakas ng current sa Batanes at parang

hinihila ka pababa, so it was hard to act and swim at the same time kasi iniisip mo kung magiging safe ba ‘yung gagawin mo o parang kung may mangyari sa iyong masama.

“Pero ako naman, I just trust the director and ginawa ko naman ‘yung sinabi niya, buti naman nagawa ko.

“Matagal kami sa dagat, minsan nga may inilalapit na sa aming oxygen tank para tumagal din ako under water. Well, hindi naman ako takot sa tubig kasi laking beach din naman ako.” Nabanggit ni Marco na sobrang tahimik sa Batanes.

“’Pag gabi naglalakad-lakad ako, naghahanap ako ng tsitsirya. Ang aga kasi nilang matulog. So safe talaga kapag mag-isa kang naglalakad. Walang night life roon, walang gimik.”

Aminado naman si Marco na hindi niya feel na manirahan sa Batanes.

“Hindi,” napangiti siya. “Siguro kung gusto mong magbakasyo­n sa tahimik, puwede ro’n. Pero manirahan, hindi siguro.”

Makikita sa pelikulang Aurora ang ganda ng Batanes.

Unang beses palang makakasama si Marco sa MMFF kaya excited siyang sumakay sa float, sa MMFF Parade of Stars, sa Linggo.

 ??  ?? Marco
Marco

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines