Balita

Palasyo: Opensiba vs NPA, ‘di titigil

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Sinabi ng Malacañang na hindi ititigil ng gobyerno ang mga pagsisikap nito laban sa mga rebeldeng komunista sa kabila ng pangako ni Communist Party of the Philippine­s (CPP) founder Joma Sison na pakakawala­n ang kanilang mga bihag.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo matapos mangako si Sison na palayain ang dalawang sundalo ng Army at 12 miyembro ng Citizen Armed Force Geographic­al Unit (CAFGU) na binihag ng New People’s Army (NPA) sa Agusan del Sur nitong Miyerkules.

Sa kanyang press briefing, sinabi ni Panelo na tinatangga­p ng Palasyo ang alok ng CPP founder ngunit hindi ito makapipigi­l sa gobyerno para tugisin ang kanilang mga puwersa.

“Well we welcome that, but it doesn’t mean that we will stop the assault on those forces that are going to ambush our troops,” ani Panelo kahapon.

Ayon pa kay Panelo, dapat na magsilbing aral sa mga sundalo ang hostage incident para huwag paniwalaan ang mga komunistan­g rebelde.

“Ang problema theyhave been declaring [that] they will have this truce. So siguro naniwala ‘yung mga tao natin sa ground na merong truce so they did not anticipate those attacks,” aniya.

“And now it seems to me now na (that) they’re using the truce para to have our soldiers on the ground off guard. They’re taking advantage of that,” dugtong niya.

Pinaalalah­anan din ng Palasyo ang mga sundalo na maging tulad ng boy scouts na palaging nakahanda sa anumang pag-atake ng mga kalaban.

“They should be like the Boy Scout, be prepared. Because like a thief in the night, the NPAs will come to you and assault you,” ani Panelo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines