Balita

NASA DUGO ANG KABUTIHAN R112,000 cash, isinauli ng magpinsang estudyante

- Ni Mary Ann Santiago

Nagpakita ng kagandahan­g-loob ang isang magpinsang estudyante matapos nilang isauli ang malaking halaga ng pera na naiwan ng isang executive accountant sa loob ng sinakyan nilang UV Express sa Sampaloc, Maynila, nitong Huwebes.

Laking pasasalama­t ni Jess Nazarene Macatungga­l, 25, accountant ng Don Galo, Parañaque City nang isauli sa kanya nina Nicolo Abasta, 18, estudyante ng National University, at taga-Avida San Lazaro, Sta. Cruz, Maynila; at John Carlo Abasta, 21, estudyante ng San Beda College, ng P. Campa Street, Sampaloc, Maynila ang kanyang bag na naglalaman ng P112,000.

Batay sa ulat ni Supt. Robert Domingo, hepe ng Manila Police District (MPD)-Sampaloc Police Station 4 (PS-4), kay Manila Police Director (MPD) Director Senior Supt. Vicente Danao, dakong 11:00 ng umaga nitong Miyerkules at lulan ang magpinsan sa UV Express na biyaheng SM Fairview sa Quezon City galing sa Taft Avenue, nang makita nila ang itim sa pouch, na naiwan ng nakasabay nilang pasahero.

Nang tingnan kung ano ang laman ng bag, nakita nila ang tatlong sobre na may P62,000 cash, P50,000 cash, at P3,000 na tseke, o kabuuang P112,000, at puting powerbank.

Sa halip na pag-interesan, minabuti ng magpinsan na dalhin ang bag sa tanggapan ng University Belt Area (UBA) Police Community Precinct (PCP) upang maisauli sa may-ari.

Nakontak naman ng mga pulis si Macatungga­l sa pamamagita­n ng Facebook at naisauli rito ang pera.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines