Balita

U.S. ‘di bibitaw sa Mutual Defense Treaty

- Roy C. Mabasa

Muling ipinahayag kahapon ng gobyerno ng United States ang matatag na alyansa nito sa Pilipinas, kabilang ang mga pangako sa ilalim ng Mutual Defense Treaty (MDT) ng 1951.

Ipinaabot ni State Secretary Michael Pompeo ang kanyang pangako nang makapulong niya ang nagbibisit­ang si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa Washington, D.C., sinabi ni U.S. State Department Deputy Spokespers­on Robert Palladino sa media readout.

“Secretary Michael R. Pompeo met with Philippine Secretary of Foreign Affairs Teodoro Locsin, Jr., at the Department of State today. The Secretary reaffirmed the enduring U.S.-Philippine­s alliance, including commitment­s under the Mutual Defense Treaty of 1951,” ani Palladino.

Binibigyan­g–diin ng MDT, kabilang ang iba pa, ang mutual commitment sa mapayapang pagresolba sa internatio­nal disputes, magkahiwal­ay o magkasaman­g pagsusulon­g sa kakayahang labanan ang pag-atake, at konsultasy­on sa territoria­l integrity, political independen­ce, o seguridad ng United States o ng Pilipinas kapag nasa panganib ng pag-atake sa Pacific.

Nauna rito, ipinahayag ni U.S. Defense Deputy Assistant Secretary for South and Southeast Asia Dr. Joseph Felter ang kanilang pangako sa inilarawan niyang “ironclad” na alyansa ng Amerika at Pilipinas sa ilalim ng foundation­al document ng MDT.

Idiniin ni Felter na nakapangak­o ang U.S. sa Pilipinas “in ensuring that its sovereignt­y isn’t threatened.”

 ?? AP ?? WALANG IWANAN Sina Foreign Secretary Teodoro Locsin at U.S. Secretary of State Mike Pompeo (kanan) sa Treaty Room ng State Department sa Washington, nitong Huwebes.
AP WALANG IWANAN Sina Foreign Secretary Teodoro Locsin at U.S. Secretary of State Mike Pompeo (kanan) sa Treaty Room ng State Department sa Washington, nitong Huwebes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines