Balita

2 drug pusher hinatulan ng habambuhay

- Erma R. Edera

Hinatulan ng habambuhay na pagkakakul­ong ang dalawang lalaki dahil sa pagbebenta ng isang kilo ng shabu sa Malate, Maynila noong 2016.

Sa desisyon ng korte na inilabas nitong December 13, 2018, hinatulan ni Judge Emilio Rodolfo Legaspi III, ng Manila Regional Trial Court Branch 13, sina Asnawe Macabato at Abdul Montaquim Goco nang mapatunaya­ng guilty sa paglabag sa Section 5 ng Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bukod dito, pinagmumul­ta rin sila ng tig-P500,000.

Enero 19, 2016, nakatangga­p ng impormasyo­n si PO2 Joseph Halago, MPD District Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (DAID-STOG), na sina Macabato at Goco ay sangkot sa illegal drug trade at gumagamit ng Toyota Altis sa transaksiy­on.

Sinabi rin ng informant kay Halago na personal niyang nakatransa­ksiyon ang dalawa.

Matapos nito, isinagawa ng Manila police at ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) ang buy-bust operation sa Guererro Street malapit sa San Andres St., sa Malate, Maynila noong Enero 21, 2016.

Dinakma sila matapos na makipagtra­nsaksiyon sa isang undercover cop at informant. Isang pakete ng shabu at buy-bust money na P2,000 ang nakuha sa mga suspek, ayon sa awtoridad.

“The allegation­s of Asnawe Macabato and Abdul Montaquim Goco are unbelievab­le on the planting of shabu, considerin­g that from their very own testimonie­s, the planting was made in the Puregold (Store) area where mediamen were already present when they arrived,” saad sa desisyon .

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines