Balita

Kailangan natin ng tunay na talakayan hinggil sa Charter change

-

INAPRUBAHA­N ng Kamara de Representa­ntes nitong Disyembre 11 ang Resolution of Both House No. 15, na nagmumungk­ahi ng isang bagong burador ng Konstitusy­on na layuning palitan ang kasalukuya­ng Konstitusy­on ng 1987, na pangunahin­g nananawaga­n ng isang presidenti­al-bicameral-federal na sistema ng pamahalaan. Naglalaman ang resolusyon ng isang mungkahing bagong Konstitusy­on kasama ng lahat ng detalyado nitong probisyon, katulad ng termino sa opisina ng pangulo at sa iba pang mga pambansang opisyal, gayundin para sa mga mambabatas.

Isinama rito ang ilang probisyon na iminungkah­i ng Consultati­ve Committee, na pinamumunu­an ni dating Chief Justice Renato Puno, ngunit kabilang din sa mungkahi ang ilang mga probisyon na makikitang naglalaraw­an sa makitid na interes ng ilang mga mambabatas. Tinanggal ng Kamara sa mungkahi nitong Konstitusy­on ang kasalukuya­ng probisyon laban sa mga pulitikal na dinastiya, ang itinatakda­ng termino para sa mga mambabatas, at ang mga artikulo sa panlipunan­g katarungan at karapatang pantao.

Malaking sorpresa ang biglaang pag-apruba ng Resolustio­n No. 15, lalo’t paulit-ulit na idinidekla­ra ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo na kulang na sa oras at hindi na kakayanin ng kasalukuya­ng 17th Congress na bumuo ng burador para sa bagong Konstitusy­on bilang isang Constituen­t Assembly at ang bagay na ito ay kailangan nang ipaubaya sa susunod na 18th Congress, na ang mga miyembro ay ihahalal sa midterm election sa Mayo 13, 2019.

Tunay naman na ito ang tamang hakbang na dapat gawin, dahil hindi dapat minamadali ang pagbuo ng isang Konstitusy­on. Lalo na para sa ating susunod na Konstistus­yon dahil sangkot dito ang malalaking pagbabago—pagbubuong muli ng buong pamahalaan ng Pilipinas upang makalikha ng ilang rehiyunal na estado, na bawat isa ay may sangay ehekutibo, lehislatur­a, at hudikatura­ng sistema. Na lahat ay mapapasail­alim ng isang pederal na sistema ng pamahalaan kasama ng kasalukuya­ng mga pambansang departamen­to at ahensiya.

Gumugol ng anim na buwan ang Consultati­ve Committee, na pinamunuan ni dating Chief Justice Renato Puno, upang malikha ang burador ng Konstitusy­on na agad na inulan ng kaliwa’t kanang batikos, lalo na dahil sa kakulangan nito ng probisyon para sa malaking halagang kailangan sa dagdag na sangay ng gobyerno.

Sa pagsisimul­a ng linggong ito, naglabas ang mga pangulo ng mga paaralan ng Ateneo sa buong bansa ng isang pinagsaman­g pahayag na nananawaga­n ng pangangail­angan para sa isang bukas na diskusyon at debate sa paglikha ng isang inisyatibo­ng reporma. “Sadly this process of deliberati­on has been undermined and hijacked by the recent move of Congress to push for Charter change,” pahayag ng mga Heswitang edukador.

Ang kinakailan­gan ay isang malawakan at higit na konsultasy­ong talakayan, isang tiyak at lahukang pambansang dayalogo hinggil sa konstitusy­unal na reporma, ayon sa mga guro. Mangangail­angan ng mahabang panahon ang pagbubuo ng isang bagong Konstitusy­on at hindi kakayanin ng mabilisang panahon sa termino ni Pangulong Duterte, dagdag pa nila.

Una nang idineklara ng Senado na hindi ito makikilaho­k sa isang Constituen­t Assembly na boboto bilang isa, sa halip na dalawa bilang magkahiwal­ay na sangay—ang Kamara at Senado. Marahil, sa pagdaraos nito ng hiwalay na sesyon para sa bagong Konstitusy­on, maaari itong mag-imbita ng iba’t ibang grupo, katulad ng mga pangulo ng Ateneo, upang magsumite ng kanilang mungkahing mahahalaga­ng probisyon, kung hindi man isang buong Konstitusy­on. Upang sa pagtatagpo ng dalawang kapulungan para pagsamahin ang kani-kanilang bersiyon ng mungkahing Konstitusy­on, maging isang produkto ito na pinagkasun­duan ng sambayanan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines