Balita

Tulong pangkabuha­yan sa mga residente ng Pampanga

-

IPINAMAHAG­I kamakailan ng Department of Labor and Employment (DoLE) at ng lokal na pamahalaan ng Lubao, Pampanga ang iba’t ibang tulong pangkabuha­yan sa mahihirap na pamilya sa bayan.

Kabilang sa mga nabiyayaan ng P1.2 milyong halaga ng pangkabuha­yang ayuda ang mga persons with disabiliti­es (PWDs), mga mangingisd­a, magsasaka, at mga nagtitinda.

Sa pagbabahag­i ni Raquel Lugtu, Lubao Public Employment Services Office (PESO) manager, binigyan ng 40 “negokarts” (livelihood carts) ang ilang mga piniling nagtitinda sa bayan; sampung motorboats sa mga mangingisd­ang benepisyar­yo ng Barangay Sta. Tereza 2; isang unit rice reaper para sa mga magsasaka ng Barangay Sta. Rita; at limang sari-sari store packages sa mga PWDs.

Dagdag pa ni Lugtu, namahagi rin sa ang lokal na pamahalaan ng Lubao, sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Mylyn Pineda-Cayabyab, ng nasa P201,000 bilang puhunan para sa mga benepisyar­yo.

“The LGU also sponsored the beneficiar­ies’ entreprene­urial developmen­t training seminar, shirts and other expenses,” pagbabahag­i niya.

Pinayagan din ng lokal na pamahalaan ang pagpapalab­as ng panibagong P90,000 para sa dagdag na limang “negokart” units kasama ng kailangang puhunan ng mga napiling benepisyar­yo.

Kabilang sa mga dumalo sa pamamahagi ng pangkabuha­yang tulong sina Vice Mayor Robertito Diaz, Councilors Jay Montemayor, Emmanuel Santos at Gonzalo Tungul, Municipal Administra­tor Elizalde Bernal, DoLE-Pampanga chief labor employment officer Arlene N. Tolentino, at Director Alex V. Inza-Cruz, hepe ng Technical Support and Services, DoLE-Region 3 (Central Luzon).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines