Balita

Napipinto ang kaguluhan

- Ric Valmonte

“ANG mahabang kasaysayan ng Bangsamoro ay nagpapatun­ay na ang presensiya ng militar sa mga komunidad ay hindi magbibigay ng tunay na kapayapaan at kaunlaran kundi magdudulot lamang ng karahasan,” wika ni Jerome Succor Aba, national chair ng Suara Bangasamor­o.

Ito ang kanyang reaksiyon sa General Order No. 1463 ni Pangulong Duterte, na nagpapakil­os sa 11th Infantry Division na bubuuin ng mga units sa 1st Infantry Division, gaya

ng 101st Bridge, 32nd Infantry Ballation at 35th Battalion, na naglalayon­g magapi ang Abu Sayyaf sa Sulu. May mga pangyayari, ayon sa Pangulo,ka tulad ng pagpasok ng IS (Islamic State Jihadist group) na nangiimplu­wensiya ng mga tao, kaya kinakailan­gan niyang magdagdag ng sundalo kahit ayaw niya ng digmaan. “Naniniwala kami na ang pagpaparam­ing ito ay makatutulo­ng sa aming kampanya para magapi ang Abu Sayyaf sa Sulu,” sabi ni Lt. Gen. Arnel dela Vega, commander ng Western Mindanao Command.

“Ang bagong dibisyon ng mga sundalo ay mananakot lamang ng mga sibilyan at panibagong Patikul massacre ang naghihinta­y na maganap,” sabi ni Aba. Ang kanyang tinutukoy na Patikul massacre ay hinggil sa

pitong taong patungo sa bukid upang umani ng prutas, ngunit pinatay sa kampo ng militar dahil umano miyembro sila ng Abu Sayyaf. Ang paglikha ng bagong dibisyon sa Sulu at ang muling pagpapalaw­ig ng martial law sa loob ng isang taon ay hindi lunas sa kagutuman at kahirapan ng taumbayan. Wika niya, “Tulungan ninyo kaming mabuhay at umunlad, bigyan ninyo kami ng lupa na malilinang, ng desenteng sahod at trabaho, igalang ang aming karapatang pantao at ang selfdeterm­ination ng Lumad at Moro. Wakasan ang martial law at itigil ang militarisa­syon sa aming komunidad.”

Tama si Jerome Succor Aba. Sinasabi niya na ang militarisa­syon ay hindi magdudulot ng tunay na kapayapaan sa Sulu at kahit anong

lugar. Hindi mo maipakakai­n sa mga nagugutom ang bala. Ang payo natin kay Pangulong Digong at ang mga naniniwala sa kanyang mga heneral na balikan ang nakaraan. Hindi pa naman katagalan nang ang ginagawa ninyo ay ginawa na noon ng mga nauna sa inyo. Hindi lang Mindanao ang sinaklaw ni dating Pangulong Marcos ng kanyang martial law, kundi ang buong bansa. Nasa kanyang kamay ang solido at buong puwersa ng Sandatahan­g Lakas ng bansa. Pnalakas niya ito nang lubusan sa walang tigil na pagrecruit ng mga sundalo. Nang gamitan niya ng puwersa ang Mindanao sa layunin niyang mapatahimi­k at mapasailal­im ito sa kanyang kapangyari­han, pumasok siya sa death trap. Maraming sundalo ang namatay. Palihim pang

dinadala ang kanilang mga bangkay sa Camp Crame at Aguinaldo upang maitago sa sambayanan na natatalo sila sa laban.

Pansamanta­la lamang ang katahimika­ng idudulot ng paggamit ng puwersa. Hindi magtatagal ay sasalubung­in din ang puwersang ito ng kapwa puwersa. Kasi, hindi naman magpaparam­i ng sundalo sa Sulu at i-militarize ang lugar ng walang layunin ang Pangulo. Abuso sa kapangyari­han ng mga may armas at kaapihan ng taumbayan ang hindi maiwasang maganap. Sa mga ganitong sitwasyon, napipinto ang digmaan. Mahirap kasing tiisin ang kaapihan at kawalan ng katarungan katulad ng nangyari sa pitong pinatay sa Kampo ng mga sundalo sa Patikul, Sulu.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines