Balita

Jean, masaya sa mga apo, bagong daughter

- Ni NORA V. CALDERON

DALAWA lang ang alam naming anak ng mahusay na aktres na si Jean Garcia, kaya nagulat ang mga kaharap niyang press na may bago raw siyang baby. Si Jessica, four years old.

“Actually, matagal na siya sa akin,” sabi ni Jean. “One and a half years old pa lang siya, nasa akin na si Jessica. Anak siya ng brother ko, iniwan siya ng mother niya kaya nasa akin na noon pa ang pamangkin ko.

“Natuwa naman ako kasi nga ang panganay ko, si Jennica (Garcia), may asawa na rin at dalawa na ang baby nila ni Alwyn (Uytingco). Si Kotaro naman, 16 na.

“Masaya dahil madalas ding nasa akin ang mga anak ni Jennica, kaya enjoy akong mag-alaga sa kanila. At ngayong Christmas, sama-sama lang kami sa bahay mag-celebrate ng Pasko.”

Kaya naman thankful si Jean dahil ngayong Friday, December 21, last taping day na ng kanilang high-rating Afternoon Prime drama series na Ika-5 Utos, na idinidirek ni Laurice Guillen.

Sa story, si Jean, bilang si Eloisa, ay nakikipag-agawan kay Valerie Concepcion as Clarisse, kay Tonton Gutierrez as Emil. Former husband ni Clarisse si Emil pero mas mahal nito ang unang naging girlfriend na si Eloisa, at hiniwalaya­n nito, kaya madalas may away silang dalawa ni Clarisse.

Hindi ba sila nagkakasak­itan sa mga eksena dahil si Clarisse, simula pa lamang ng eksena, intense na agad sa mga pasabog nito?

“Sabi nga namin ni Valerie, ang haba ng buhok ni Tonton dahil pinag-aagawan siya ng dalawang babae.

“Tawag naman namin ni Tonton kay Valerie ‘amazona’. Ang lakas kasi niya, hindi mo siya puwedeng salubungin. Kahit sinabi na ni Direk Laurice na dahandahan lang, kapag umarte na siya, hindi mo na siya mapipigila­n.

“Kahit din nag-usap na kami bago mag-take, kung ano ang gagawin. Minsan nga may eksena na nadaganan niya ako, natanggal na si Valerie, hindi pa ako makabangon. Pero after the scene, sinasalubo­ng na namin ang isa’t isa, tinatanong kung nasaktan kami sa eksena.

“It’s good na very profession­al ang lahat. Kahit ang mga young stars na kasama namin, nagagawa nila kung ano ang inuutos ni Direk Laurice kaya after the take, masaya na naman ang lahat.”

Kasama rin nina Jean, Valerie, at Tonton sina Gelli de Belen, Antonio Aquitania, at ang mga young stars na sina Jake Vargas, Jeric Gonzales, Klea Pineda, Kim Rodriguez, at Inah de Belen. Napapanood ang Ika-5 Utos daily, pagkatapos ng Asawa Ko, Karibal Ko, sa GMA 7.

 ??  ?? Jean at Tonton
Jean at Tonton

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines