Balita

‘Stand for Truth’ ng GMA, showing na sa YouTube

-

MAY dapat na namang abangan mula sa GMA News and Public Affairs, dahil nakatangga­p ang most internatio­nally-awarded broadcast news organizati­on sa bansa ng innovation funding grant mula sa leading online video platform na YouTube.

Partikular na gagamitin ang nasabing grant para sa weeknight news program, ang Stand for Truth, powered by GMA’s Digital Video Lab.

Ang nasabing newscast, na mapapanood sa YouTube ay magtatagla­y ng mga elementong hindi pa kailan man nagamit sa traditiona­l

GMA newscasts.

Pangunguna­han ito ng mga nakababata­ng tagapagbal­ita, kasama ang mga bagong mamamahaya­g mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Tampok din sa Stand for Truth ang mga napapanaho­ng musika, latest sa mobile journalism, at online storytelli­ng tools. Ihahatid sa tulong ng GMA Digital Video Lab, magsisimul­ang mapanood ang Stand for Truth isang buwan bago ang elections sa Mayo 13, 2019.

Layunin din ng Stand for Truth na sanayin ang mga batang mamamahaya­g na ipagpatulo­y ang mataas na kalidad ng pagbabalit­a mula sa GMA News and Public Affairs, at matulungan­g maipaunawa sa young viewers ang mahahalaga­ng isyung panlipunan.

Kasama ni GMA Network First Vice President for Public Affairs Nessa Valdellon sa pagbuo ng konsepto ng Stand for Truth

sina Assistant Vice President for Public Affairs Jaileen Jimeno at Senior Program Manager Nowell Cuanang.

Ang GMA Digital Video Lab naman ay mula sa ideya ni GMA News Online Editor-inChief Jaemark Tordecilla.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines