Balita

Kritiko ng Miss U Thailand gown, sangkot sa royal insult

-

BANGKOK (AP) — Posibleng maharap sa kaso ang isang Thai social media influencer na bumatikos sa gown na isinuot ng kanilang pambato sa Miss Universe matapos maghain ng panibagong reklamo sa pulisya ang isa ring online personalit­y sa bansa hinggil sa umano’y pangunguty­a ng influencer sa royal family dahil sa mga negatibong komento.

Sinabi ni Kitjanut Chaiyosbur­ana, negosyante at pulitiko, na naghain siya ng reklamo makaraang makita ang Facebook post ni Wanchaleom Jamneanpho­l, na kumukutya sa blue dress na idinisenyo ni Princess Srivannava­ri Nariratana, anak ni King Maha Vajiralong­korn ng Thailand.

Isinuot ni Miss Universe Thailand, Sophida Kancharin, ang nasabing gown sa isang promotiona­l event ng patimpalak, na napagwagia­n ng pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray nitong Lunes.

Kinumpirma ni Police Col. Siriwat Deepor, spokesman ng Technology Crime Suppressio­n Bureau, na natanggap na nila ang reklamo at nakatakda na nila itong imbestigah­an.

Binura na ni Wanchaleom ang kritikal na post at humingi ng tawad nitong Lunes sa Prinsesa sa isang post.

“Your Royal Highness Sirivannav­ari Nariratana, I, Wanchaleom Jamneanpho­l, did not have any intention to insult or disrespect the high institutio­n,” pahayag ni Wanchaleom. “I feel deeply guilty and sorry for what had happened.”

Ipinasa na ng pulisya ang reklamo sa prosekusyo­n bilang paglabag sa Computer Crime Act, na may parusang limang taong pagkakakul­ong at multa para sa pagpapakal­at ng maling impormasyo­n at pagsira sa ‘national security’. Ang mga katulad na kaso ay itinuturin­g rin na lese majeste, o pang-iinsulto sa monarkiya, na maaaring hatulan ng tatlo hanggang 15 taong pagkabilan­ggo.

“I acted as a Thai to protect the country’s reputation and to set an example,” pahayag ng complainan­t na si Kitjanut sa The Associated Press. “So many times people make careless comments and it ends with just an apology.”

Kapwa popular sina Kitjanut at Wanchaleom sa online LGBT community ng Thailand. Si Wanchaleom ay isang transgende­r woman na may 500,000 followers sa Facebook , habang si Kitjanut ay isang transgende­r man na may mahigit 400,000 Facebook followers.

Ayon kay Kitjanut, ayaw niyang batikusin ang isang kapwa miyembro ng LGBT community dahil baka magdulot ito ng negatibong pagtingin sa kanila, ngunit ang kanyang aksiyon ay para umano sa hustisya.

“There are people saying why is a tomboy criticizin­g a trans,” aniya. “But for me, it’s not about protecting your own group of people, but about right and wrong. She (Wanchaleom) is a big influencer and she has a large following. So she should set a good example for others.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines