Balita

Paul McCartney, Emma Stone magsasama sa anti-bullying music video

-

LONDON (Reuters) – Nakipag-team up ang dating gitarista at mang-aawit ng The Beatles na si Paul McCartney sa Oscar winner na si Emma Stone sa isang music video para sa kanyang bagong single na Who Cares, isang awitin na hangad niyang magbigay-inspirasyo­n sa kabataan na manindigan laban sa bullying.

Makikita ang pares na nagsasayaw sa isang black and white set kasama ng mga harlequin-like figures na nagpapahir­ap kay Emma bago sila tumakas gamit ang sasakyan ni Paul.

Nakipagtul­ungan din ang beteranong singersong­writer sa non-profit organizati­on na Creative Visions para sa paglulunsa­d ng #WhoCaresID­o campaign, na inspired mula sa lyrics ng kanta na—“Who Cares About You, I do”.

“My hope is that if there are kids being bullied — and there are … maybe by listening to this song and watching this video, they might just think it’s not as bad,” pahayag ni Paul sa kanyang website.

“That it’s the kind of thing you can just stand up to and laugh off and get through.”

Una nang naka-collab ni Paul ang iba pang mga artists tulad nina Kanye West at Rihanna. Habang nitong nagdaang Linggo, nakasama ng singer sa entablado ang kanyang kapwa dating Beatle na si Ringo Starr at ang Rolling Stones guitarist na si Ronnie Wood sa kanyang pagtatangh­al sa London.

Kabilang ang Who Cares sa 17th solo studio album ni Paul na Egypt Station.

 ??  ?? Paul at Emma
Paul at Emma

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines