Balita

Pacio vs Saruta sa ONE

-

MAHABANG panahon ng pagsasanay at sakripisyo ang pinagdaana­n ni Pinoy fighter Joshua “The Passion” Pacio.

Sa pagiging kampeon, tangan ang ONE World straweight championsh­ip, asahan ang mas malalaking hamon sa kanyang career, kabilang ang pagsabak kontra Japanese star Yosuke Saruta sa ONE: Eternal Glory sa Enero 19 sa Istira Senayan sa Jakarta, Indonesia.

Premyadong fighter sa kasalukuya­n ang 22-anyos na si Picio sa straweight division.

Ngayon pa lamang, usap-usapan na ang laban na ipinapalag­ay ng marami na isang contender para sa ‘Bout of the Year’.

Bukod sa kanipisan sa grappling skills, maituturin­g na all-around fighter si Pacio na nakikiensa­yo sa Team Lakay sa Baguio City, sa pangangasi­wa ni coach Mark Sangiao.

Isang kompletong MMA discipline si Saruta na inaasahang magbibigay ng magandang laban kay Pacio.

Kahanga-hanga ang debut fight ni Saruta nitong Disyembre 7 sa ONE: Destiny of Champions nang gapiin ang beteranong si World Champion Alex Silva, via a threeround unanimous decision.

Ang naturang panalo ang naging tiket niya para hamunin si Pacio.

“The ONE strawweigh­t division has been a recently unstable one, with the title changing hands between Pacio, Silva, and former champion Yoshitaka Naito multiple times over the past two years. They say you’re never truly the champion unless you’ve defended your belt,” pahayag ng ONE

 ??  ?? THE PASSION! Kumpiyansa si Joshua Pacio na maidedepen­sa ang titulo vs Japanese rival.
THE PASSION! Kumpiyansa si Joshua Pacio na maidedepen­sa ang titulo vs Japanese rival.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines