Balita

Taekwondo jin bully, tinalikura­n ng PTA

- Annie Abad

MARIING kinondena ng Philippine Taekwondo Associatio­n (PTA) ang nangyraing insidente ng bullying sa loob ng comfort room ng Ateneo De Manila Junior High School.

Sangkot sa insidente na pinagpipis­tahan ngayon sa social media, ang Junior Taekwondo Jin na si Joaquin Montes na siyang nakita sa video na nanipa at nanuntok sa isa pang estudyante na nauulinaga­n na hinamon niya na mamili ng dignidad o bugbog.

Sa opisyal na pahayag ng PTA, sinabi ng pangulo ng national sports associatio­n (NSA) kinokonden­a niya ang insidente.

“The Philippine Taekwondo Associatio­n condemns any form of misbehavio­ur that includes harassment, bullying and acts of violence, “pahayag ni Aventajado.

Ayon pa sa PTA na hindi nila itinuro sa kanilang mga Taekwondo practition­ers na gamitin sa pananakit ng ibang tao ang nasabing martial arts discipline..

“Modesty is one of the five tenets of taekwondo that is being taught to all Taekwondo practition­ers from the first day of training. Our Associatio­n reiterates it’s objective to teach all taekwondo practition­ers self respect and respect for others,” aniya.

Si Montes ay miyembro ng PTA na sumasabak sa mga kompetisyo­n sa juniors event ng taekwondo na iniiugnay sa dating presidente ng Philippine Olympic Committee (POC) at dating Congressma­n ng Tarlac na si Peping Cojuangco.

Malapit umano ang pamilya ni Montes sa mga Cojuangco bagama’t wala pang kumpirmasy­on ang nasabing impormasyo­n.

Samantala magsasagaw­a naman ng kanilang sariling imbestigas­yon ang PTA hinggil sa nangyaring insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines