Balita

Calvin, na-bash sa ‘panggagami­t’

- Ni NITZ MIRALLES

IPINOST ni Calvin Abueva sa Instagram (IG) ang picture ng misis niya, na kuha pa noong August 8, 2010. Maganda ang misis ni Calvin na si Salome Alejandra, at may tatlo silang anak.

Dahil sa nasabing litrato, na-bash ang basketball player at inakusahan­g ginamit ni Vice Ganda para mapag-usapan, makaraan ang ilang buwang pang-iintriga sa tunay na relasyon niya sa host ng It’s Showtime.

May kasunod na pahayag si Calvin sa nasabing post: “Alam n’yo si Vice totoong kaibigan, ang asawa, asawa talaga. Wala ako pakialam kung bash n’yo ako oh support kayo. Kami ni Vice true friend ang turing ko sa kanya, hindi na siya iba sa ‘kin.”

Na-bash si Calvin dahil ginamit lang daw niya si Vice para siya sumikat. May nagsabi namang dahil may asawa siya, dapat inisip ay niya ‘yun bago siya nakipag-close kay Vice.

May nag-comment pa na hindi masamang makipagbal­ikan si Calvin sa misis niya.

“Ang mali ay ang ipakita mo kay Vice at sa amin (fans) na mukhang magtatagal kayo. 3 days ago paabotabot ka pa ng flower tapos ending ganito. Halatang pinalipad mo lang sa maging ere ‘But ta’s masaya that’s iniwan okay. ka mo. sana. Kung And d’yan ka magiging masaya, si Meme Vice, darating ‘yung araw na makikita niya ‘yung taong hindi mo/n’yo katulad,” say pa ng obvious na fan ni Vice.

May nagpayo naman kay Calvin na huwag nang intindihin ang bashers, at tanggap nilang friends lang sila ni Vice, at suportado pa rin nila ni Calvin. Ang importante sa mga supporters ni Calvin ay ang pamilya at mga anak nito.

May mga umaasa namang hinndi magbabago ang kung anumang relasyon na mayroon sina Vice at Calvin. May nabasa pa nga kaming magkumpare sina Vice at Calvin, dahil inaanak ni Vice ang isa sa mga anak nina Calvin at Salome.

Saka para namang hindi apektado si Vice na mas pinili ni Calvin ang pamilya over him. Masaya siya sa pag-aalaga ng dalawa niyang Bengal cats, na pinangalan­an niyang Naomi at Tyra, at “babies” ang turing niya sa dalawa.

Busy rin si Vice sa pagpo-promote ng MMFF entry na Fantastica, na trailer pa lang ay nakakatuwa na, sa direksiyon ni Barry Gonzales. Determinad­o si Vice na paabutin sa P1 bilyon ang kita ng Star Cinema movie, kaya naman focused siya ngayon sa promotion ng pelikula.

 ??  ??
 ??  ?? Vice at Calvin
Vice at Calvin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines