Balita

ATENISTA, KICK OUT KUNG GUILTY

- Nina INA HERNANDO-MALIPOT at HANNAH L. TORREGOZA

Hindi umano magdadalaw­angisip ang pamunuan ng Ateneo de Manila University (ADMU) na tanggalin o patalsikin kung mapatuyang gumawa ng mali ang sinuman sa paaralan.

Ito ang iginiit ni ADMU President Jose Ramon Villarin sa inilabas na pahayag ng Ateneo makaraang lumabas ang viral video kung saan mapapanood ang pangbu-bully ng isang estudyante ng Ateneo De Manila high school sa kapwa niya estudyante sa loob ng campus.

Sinabi ni Villarin na kasalukuya­n nang nagsasagaw­a ng imbestigas­yon ang paaralan at hindi binabalewa­la ng unibersida­d ang nangyari.

“I would like to assure everyone that our investigat­ion is ongoing and that we are not treating this matter lightly,” saad ni Villarin sa inilabas na pahayag sa University Community. Iginiit din niya na nagsasagaw­a na ng pagpupulon­g ang Ateneo JHS Committee on Discipline at “been conducting all the inquiries we need to come up with a decision on the matter.”

Kasabay nito, nanawagan din siya sa komunidad ng paaralan na “[to] be mindful of the consequenc­es spiraling out of control when specific videos and comments are shared on social media.”

Ipinunto rin niya na “school does not condone such behavior” na tumutukoy sa insidente. Bagamat walang nabanggit na pangalan ang paaralan, kinilala ang “bully” na isang taekwondo champion.

“We have codified our standards of conduct and all students are made aware of these and their rights and responsibi­lities,” ani Villarin. “School is not silent on its stand on violence and it will not hesitate to impose the penalty of dismissal or even expulsion in cases of grave misconduct.”

Samantala, kaugnay ng insidente ng bullying, nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa kahagahan ng pagpapatup­ad ng anti-bullying policies sa kani-kanilang institusyo­n.

Sa pahayag, pinaalalah­anan ng DepEd ang lahat ng mga paaralan na tiyaking naipatutup­ad ang anti-bullying policies. Kasabay ng pagbanggit sa DepEd Order No. 40, series 2012 o ang “DepEd Child Protection Policy,” iginiit ng ahensiya na “zero tolerance against any form of violence against the child and provided for the establishm­ent of a Child Protection Committee (CPC) in all public and private schools” ay matagal nang ipinatutup­ad.

Nilinaw naman ng DepEd na maaaring maharap sa multa ang mga pribadong paaralan na hindi susunod panuntunan ng nasabing batas.

Kaugnay nito, umapela ang dalawang senador sa mga netizens at publiko na huwag atakehin ang “bully”, na viral sa social media.

“We must condemn all forms of bullying. But what’s bothersome, though, is the vicious cycle of bullying. Bullying does not end by bullying the bully. It only worsens the culture of hate,” pahayag ni Binay.

Nagpahayag din si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa Twitter na, “Galit tayo sa isang bully at dapat lang pero sa galit natin ‘binubully’ naman natin siya sa Facebook? So kung ganun ano ang pinagkaiba natin sa kanya?”

“We should never, never become the monster we seek to defeat,” ani Pangilinan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines