Balita

‘Glorious’ sequel, posible?

- Ni REGGEE BONOAN

“INAARAL pa.”

Ito ang sagot sa amin ni Direk Connie Macatuno kung may sequel ang patok na digital movie nina Angel Aquino at Tony Labrusca, ang Glorious, na umani ng papuri nang ipalabas ito sa iWant kamakailan.

Inaaral kung may sequel o ibang kuwento ang pagbabalik-tambalan nina Angel at Tony? Sana sa mainstream na ipalabas at hindi lang sa digital. Anyway, abala si Tony ngayon sa taping ng bagong teleseryen­g Mea Culpa, na makakasama niya sina

Jodi Sta. Maria, Bela Padilla, Kit Thompson, Sandino Martin, Ivana

Alawi, at Ketchup Eusebio mula sa Dreamscape Entertainm­ent, sa direksiyon ni Dan Villegas.

May offer pala ang ibang movie outfit kay Tony, pero ayon sa nakakuwent­uhan naming taga-production ay hindi sila mabalikan ng manager ng aktor dahil may prior commitment siya sa Star Cinema, bukod pa sa sunud-sunod ang tapings nito sa bagong serye na ipalalabas na sa 2019. Tinanong namin si Mario

Colmenares, manager ni Tony, tungkol sa nabanggit na offer ng ibang movie outfit.

“Oo, marami kaso hindi kami makasagot kasi may tinatapos pang movie. Punumpuno si Tony, ayoko namang mag-commit tapos wala kaming maibigay na schedules, nakakahiya,” atwiran sa amin.

Kinumusta namin si Tony kung nagagawa pa niyang mag-malling pagkatapos ng aksidenten­g masuntok siya sa nakaraang mall show niya sa Batangas.

“’Yun nga, gustung-gusto niyang mag-mall lang, hindi na niya magawa. Kasi kilala na siya. Datirati nakakapunt­a siya, lakad lang siya nang lakad, ngayon hindi na niya magawa. Ngayon ang daming tumatawag na ng name niya, ang daming nagpapa-picture. Okay naman ‘yun, kaso nagkukumpu­lan, siyempre nabubulabo­g ‘yung ibang tao sa mall,” kuwento ni Mario.

Nabanggit pa ni Mario na hindi mahilig dumalo sa party si Tony.

“Nu’ng Star Magic Ball nga, hindi um-attend, mas ginusto pang magtaping. Ano kasi siya, mahiyain.”

Matipid daw si Tony sa pera, at sa katunayan, lahat ng ginagamit niya ay sponsored kaya nakakaipon ang aktor para mabili ang pinapangar­ap na bahay para sa pamilya.

“Matagal pa, malaki pa kailangan niya. Pero ngayon sa bahay na talaga sila nakatira, unlike before maliit lang,” kuwento ng manager ng aktor. “Masipag naman si Tony.”

Tinanong namin kung aware si Tony na may tsismis na gay siya.

“Oo, tagal namang isyu ‘yan, halos lahat naman ng bagong artista, sinasabiha­n ng bakla. Hindi naman siya affected kasi kilala naman niya ang sarili niya, tatawa lang ‘yun,” napangitin­g sabi ni Mario.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines