Balita

Ang banal na sanggol na isinilang sa Bethlehem

- Clemen Bautista

NAGSIMULA ang Pasko sa pagsilang o kapanganak­an ng Anak ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauh­an. Kasama sa Kanyang pagsilang ang biyaya ng pagpapataw­ad at pagmamahal para sa lahat. Kapayapaan at Pag-asa ang hatid ng pagdating ng Dakilang Manunubos. At sa pagbabalik­tanaw sa unang Pasko, isang Sanggol ang isinilang sa

Bethlehem ng Mahal na Birhen Maria kasama si San Jose.

Narinig ng mga pastol ng tupa ang masayang awit ng mga anghel sa langit. At mula sa Silangan ay dumating ang Tatlong Mago o Marunong na may dalang handog sa Sanggol. Ang mga handog na ginto, insenso at mira ay inialay sa diwa ng kababaang-loob, pag-ibig at pagsamba. Ang paghahando­g ng Tatlong Marunong ang naging batayan ng isang awiting pamaskong Pilipino. May pamagat na “Simula ng Pasko”, na inawit ng Mabuhay Singers. Ganito ang mga lyrics o titik ng awiting pamasko. “Nauna ang Tatlong Mago, Nagbigay ng regalo, Simula na ito ng kagandahan­g-loob ng bawat kristiyano. Habang tayo’y nabubuhay, ang Pasko ay ipagdiwang; at sikaping

ang pag-ibig kay Jesus na ating minamahal.”

Ang Pasko ang pinakamasa­ya at pinakamaku­lay na araw sa loob ng isang taon. Sa panahon ngayon, halos lahat ng mga Kristiyano­ng Katoliko sa buong daigdig ay nagsasaya sapagkat ginugunita at ipinagdiri­wang ang araw ng pagsilang ng Banal na Mananakop. Mayaman, mahirap, hikahos sa buhay at mga anak ng dalita ay nakadarama nang bahagyang luwalhati kapag sumasapit ang Pasko. Sa kanilang mga puso, damdamin at diwa ay naroon ang pag-asa, pananalig, at kagalakan.

Ang Sanggol na isinilang ng Mahal na Birheng Maria sa Bethlehem ay tinawag na Prinsipe ng Kapayapaan. Tagapaglig­tas ng sangkatauh­an at Anak ng Diyos. Ang liwanag

ng Sanggol sa Bethlehem ay nakarating sa madilim na sulok ng mundo makalipas ang daang taon. Nagbigay ng pag-asa sa mga pinag-uusig na mga unang Kristiyano. Nagpasigla sa mga naghahanap ng katotohana­n upang lalong mabuhay sa kanilang mga dakilang mithiin.

Sa sambayanan­g Pilipino, kasama ang mga taga-Rizal, ang Sanggol sa Bethlehem ay nagbibigay ng pag-asa sa mga mamamayang nagdurusa dulot ng mga nagsasaman­talang sirkero at payaso sa Kongeso at iba pang public servant na walang silbi sa mamamayan. Sa kabila ng nagaganap na kasamaan at malagim na krimen, pagpatay sa mga pinaghihin­alaang drug pusher at user drug lord, mga biktima ng bagyo at kalamidad, hindi nagdidilim ang pag-asa sa Liwanag ng Banal na Sanggol.

Ngayong ipinagdiri­wang ang Pasko, muling madarama ang tagumpay ng Banal na Sanggol sa Bethlehem laban sa kapangyari­han at galamay ng kasamaan. Ang Sanggol sa Bethlehem ay ang pinakadaki­lang handog ng Diyos sa sangkatauh­an. At ang diwa ng Pasko ay nasa puso ng mga tapat, matatag sa harap ng man ng hirap at mga pagsubok.

Ang Pasko ay ang sandali ng pagtupad ng mga family values at pagkakaisa. Sana tanglawan ng bituin at Liwanag ng Sanggol sa Bethlehem ang lahat ng taong may mabuting kalooban at bigyan ng inspirasyo­n upang lalong maging masipag at may pagsisikap. May kahulugan ang Pasko kung tatanggapi­n natin ang Anak ng Diyos nang may pasasalama­t at pag-ibig.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines