Balita

Ate Vi kay Jessy: Kilalanin n’yo muna ang isa’t isa

- Remy Umerez

SA unang pagkakatao­n ay ibinahagi ni Jessy Mendiola, ang star sa pelikulang The Girl in

the Orange Dress ang ilang personal na bagay sa kanyang buhay, tulad ng matinding depresyon na naranasan niya sa loob ng dalawang taon.

Ang rebelasyon ay inihayag niya sa pangumagan­g show na Magandang Buhay. Big influence sa kanyang pagbabago ng pananaw ang boyfriend niyang si Luis Manzano.

Tiniyak din ni Jessy na okay na siya ngayon.

Through a phone patch sa morning show ay binati at nagbigay ng payo kay Jessy ang kanyang future mother-in-law (if and when balakin nilang pakasal ni Luis) na si Batangas Rep. Vilma Santos-Recto.

“May age gap ng siyam na taon between my son Luis at Jessy, at may tulong itong dulot kay Jessy dahil pasensyoso si Luis at mahilig magpatawa. He really makes Jessy laugh.

“Ang payo ko lang kay Jessy is to respect your partner. There is no such thing as period of adjustment, dahil ang ugali ng tao ay nagbabago. Kilalanin n’yo muna ang isa’t isa.

“Totoo, inip na inip na akong magkaroon ng apo at kung sila ngang talaga, eh, ‘di go. But as I said, sila ring dalawa ang magdedesis­yon kung kailan nila gustong lumagay sa tahimik,” sabi ni Congresswo­man Vi.

May payo rin kay Jessy ang isa sa mga host ng Magandang Buhay na si Karla Estrada tungkol sa mga bashers ng dalaga.

“Ignore them and don’t give them the satisfacti­on they want,” sabi ni Karla kay Jessy.

 ??  ?? Jessy at Luis
Jessy at Luis

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines