Balita

Travis Scott, sasamahan ang Maroon 5 sa Super Bowl show

-

MAKAKASAMA umano ng Maroon 5 ang hip-hop star na si Travis Scott bilang special guest para sa kanilang 2019 Super Bowl Halftime

Show, iniulat ng Cover Media. Napapabali­ta kamakailan na ang rock band ang mangunguna sa pagtatangh­al sa Atlanta, Georgia sa Pebrero 19, at ayon nga sa ilang sources, sumang-ayon na ang Texas native na si Travis na samahan ang grupo sa entablado.

Balita rin na nakikipag-usap na ang frontman ng grupo na si Adam Levine sa ilang artists para sa sorpresang appearance, kabilang si Cardi B, na nakasama ng banda sa Girls Like You smash hit, at ang Atlanta rap legend nasi Big Boi mula sa Outkast.

Hindi pa naman nagbibigay ng komento ang kinatawan ni Travis, habang ‘tila iniwasan naman ni Adam ang tanong tungkol sa halftime gig, na inaasahang kukumpirma­hin ng mga boss sa America’s National Football League (NFL) sa Bagong Taon.

Natanong ang singer hinggil sa mga ulat tungkol sa Super Bowl sa isang panayam sa The Ellen DeGeneres

Show nitong nakaraang taon, at ‘tila inilihis ang tsismis sa pagtugon niya nang sarkastiko.

“What the hell are you talking about? It’s a rumour. I can neither confirm nor deny the truth of this rumour. It’s definitely a rumour. And the rumour’s a rumour that everyone seems to be discussing,” sagot ni Adam sa mga espekulasy­on.

“It’s the Super Bowl,” aniya. “It’s a great event and there’s gonna be a band performing... or an artist of some kind performing at halftime. And it’s gonna be great, regardless of who it is. Whoever is lucky enough to get that gig probably is gonna crush it.”

Kasunod nito ‘tila nagpahiwat­ig si Adam na lubos ang kasiyahan niya at ng kanyang mga kabanda sa pagtugtog sa isa sa pinakamala­king show ng kanilang career: “Whoever does it is probably equal parts nervous and excited,” aniya. “This is all speculativ­e because I don’t know who I’m talking about... If it were me, I’d be excited, I’d be nervous... If I were doing it, which I can’t confirm or deny I am, I would be excited.”

Nagdulot ng ilang kontrobers­iya ang balitang pagtatangh­al ng Maroon 5 sa Superbowl—sa paggigiit ng ilang fans na dapat umanong pinili ng NFL officials ang isang Atlanta icon upang maipakita ang mayamang kasaysayan ng lungsod sa musika, habang nanawagan naman ang ilan na tanggihan na lamang ng grupo ang show bilang suporta sa American football star na si Colin Kaepernick.

Una nang nabalita na si Rihanna ang unang choice ng NFL chief para sa 2019 Super Bowl Halftime Show, ngunit tinanggiha­n ito dahil sa trato ng organisasy­on kay Colin.

 ??  ?? Travis
Travis

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines