Balita

Oscars journey ng ‘Signal Rock’, natapos na

- Ni STEPHANIE MARIE BERNARDINO

HINDI nakalusot ang pelikulang

Signal Rock, ang official entry sa Pista Ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018 sa “shortlists in considerat­ion” para sa nalalapit na Oscars.

Sa pinakabago­ng pahayag ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences sa kanilang official website, hindi na mababasa ang titulo ng pelikulang Pinoy sa siyam na kategorya na Documentar­y Feature, Documentar­y Short Subject, Foreign Language Film, Makeup and Hairstylin­g, Music (Original Score), Music (Original Song), Animated Short Film, Live Action Short Film, at Visual Effects.

Ilang buwan na ang nakalipas nang kumpirmahi­n ng Regal Entertainm­ent sa kanilang official Facebook page na ang pelikulang ito ni Chito Roño ang opisyal na pambato ng Pilipinas sa Foreign Language Film category ng 2019 Academy Awards.

Ang Signal Rock ay tungkol kay Intoy, ang carefree no-hoper na

nakatira sa isang maliit na bayan, na biglang pinatawag para tulungan ang kapatid niyang nakatira sa Finland na mapanaluna­n ang isang child custody battle. Ang pelikula ay kinunan sa Biri, Samar.

Kabilang sa cast sina Christian Bables, Elora Españo, Mara Lopez, Francis Magundayao, at ang mga

beteranong aktor na sina Menggie Cobarrubia­s, Joel Saracho, Daria Ramirez, Arnold Reyes, Nanding Josef, Archie Adamos, Sue Prado, JayR Versales, Keana Reeves, Julia Chua, Kokoy De Santos, Jomari Angeles, Ruby Ruiz, Mon Confiado, Ces Quesada, Lee O’Brian, Dido Dela Paz, at marami pang iba.

 ??  ?? Eksena sa ‘Signal Rock’
Eksena sa ‘Signal Rock’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines