Balita

‘Waste-free ecosystem,’ ngayong Holiday season

- Ni CHITO A. CHAVEZ

Hinikayat ng environmen­tal group na EcoWaste Coalition ang mga Holiday season shoppers na isulong ang “waste-free ecosystem” sa pamamagita­n ng tamang pagtatapon ng mga basura.

Habang patuloy ang pagdagsa ng mga mamimili sa mga malls para bumili ng mga regalo para sa nalalapit na Pasko, nanawagan ang grupo sa publiko “not to make the cheerful tradition of gift-giving a sad one for environmen­t due to the thoughtles­s use and disposal of gift wrappers’’.

“Gift-giving can generate a lot of discards that, more often than not, go straight to the bin. Instead of keeping them for the next gift-giving, we find gift boxes, wrappers, and accessorie­s habitually tossed into the dump,” pahayag ni Daniel Alejandre, Zero Waste Campaigner, EcoWaste Coalition.

“Gift-giving need not dirty and pollute our environmen­t with more garbage. With a little creativity, we can make our gift-giving tradition less wasteful and less stressful for Mother Earth,” dagdag niya.

Upang makatipid at mabawasan ang mga gift wrappers na itatapon, nakaisip ng suhestiyon ang EcoWaste Coalition at kabilang dito ang sumusunod: Pumili ng regalo na hindi nangangail­angan ng packaging; paggamit ng mga lumang magazine o mga Sunday comics; paggamit ng mga lumang tela bilang gift wrapper; gumamit ng mga abaca o ibang native na pantali sa mga regalo; subukan ang Furoshiki, isang Japanese art of wrapping, gamit ang ibang mga sobrang tela; at iba pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines