Balita

BULLY, SINIPA NA!

- Nina MARY ANN SANTIAGO at ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Pinatalsik na ng Ateneo de Manila University (AdMU) ang kanilang estudyante na nag-viral sa social media dahil sa pambu-bully at pananakit sa kapwa niya estudyante sa loob ng naturang unibersida­d.

Sa memorandum na inilabas ng AdMU, na pirmado ng pangulo nito na si Jose Ramon T. Villarin SJ at nakarating sa tanggapan ng Department of Education (DepEd), dismissal ang naging parusa nila laban sa estudyante matapos ang masusing imbestigas­yon at pakikinig sa panig ng magkabilan­g partido.

“After a thorough investigat­ion that included listening to all parties involved, the decision of the administra­tion is to impose the penalty of DISMISSAL on the student caught bullying another student in the comfort room of the school,” bahagi ng desisyon. “This means that he is no longer allowed to come back to the Ateneo.”

Samantala, sinabi ni Communicat­ions Secretary Martin Andanar na naiintindi­han niya kung bakit nanggagala­iti ang mga netizens sa junior high school student.

“Hindi mo rin ma-blame iyong nagsa-cyber-bullying kasi siyempre dehado iyong sinapak doon sa eskuwelaha­n ‘di ba, tapos nagdugo iyong mukha,” ani Andanar.

“Ngayon kung ako kasi iyong magulang makita mo na iyong bata na sinapak tapos duguan ang ilong ba iyon o bibig? Masakit iyon eh, masakit sa magulang iyon na iyon ay ginawa sa anak mo,” dagdag niya.

“Eh inaalagaan mo iyong anak mo tapos sabay sasapakin lang tapos dudugo iyong ilong ‘di ba? So hindi naman—masakit iyon para sa magulang,” pagpapatul­oy niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines