Balita

Pabuya vs Batocabe killers, aabot sa R30M

- Ni CHARISSA M. LUCI-ATIENZA May ulat nina Aaron Recuenco at Beth Camia

Sa layuning matiyak na agarang makakamit ang hustisya sa pamamaslan­g kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe, nangalap ang mga kapwa kongresist­a ng pabuya upang kaagad na maaresto ang mga pumatay sa kanilang kabaro, at inaasahang aabot ito sa P25 milyon hanggang P30 milyon.

Ayon kay Negros Occidental Rep. Albee Benitez, presidente ng House Visayan Bloc, nasa 168 kongresist­a ang nagkaloob ng P30,000 bawat isa, bukod pa sa P15 milyon na inilaan ng Ako Bicol Party-list at P2 milyon mula naman sa pamahalaan­g panglalawi­gan ng Albay.

“Puwedeng umabot ng P25 million kasi may commitment ang Ako Bicol na P15 million, P2 million sa provincial government ng Albay, at sa House na at least P30,000 each of over 100 congressme­n and counting,” sabi ni Benitez.

Aniya, may kabuuang 168 miyembro ng Kamara ang nangakong mag-aambag para sa pabuya, kaya umabot na sa mahigit P5 milyon ang nakakalap sa Mababang Kapulungan.

“Initially we have gathered around P25 million to put up a bounty and help identity mastermind/mastermind­s immediatel­y. In fact, it could reach P30 million,” sabi naman ni AKO Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin.

Sa kanyang personal na pagdalaw sa burol ni Batocabe sa Ricardo Arcilla Hall sa Bicol University sa Daraga, Albay kahapon ng umaga, kinondena ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang pamamaslan­g sa “very popular” at “very much loves” na kongresist­a, at umaasang kaagad na madadakip at mapapanago­t ang mga suspek.

PNP AT NBI MAGTUTULUN­GAN

Iniutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang pagbuo ng special investigat­ion task group upang mapabilis ang pagresolba sa pagpatay Kay Batocabe at sa police escort nitong si SPO1 Rolando Diaz noong Sabado ng hapon.

“I have directed the creation of a Special Investigat­ion Task Group (SITG) to mobilize all available resources and to orchestrat­e all aspects of investigat­ion to ensure that justice is served as soon as possible to both the victims and their families,” sabi ni Albayalde.

Kabilang sa mga responsibi­lidad ng SITG ang pagtukoy sa mga salarin, partikular sa posibleng nagpapapat­ay kay Batocabe.

Ipinag-utos na rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigat­ion (NBI) na tulungan ang PNP sa ginagawang pagsisiyas­at sa insidente.

Katatapos lang ng kongresist­a na mamahagi ng mga regalo sa mga senior citizen at may kapansanan sa Daraga, Albay—kung saan siya kumakandid­atong alkalde—nang pagbabaril­in siya at si Diaz ng mga hindi nakilalang lalaki.

“We appeal to the public to immediatel­y report to the police any informatio­n that could lead us to the perpetrato­rs and to help us quickly solve this case,” ani Albayalde.

DAHIL SA PULITIKA

Batay sa imbestigas­yon, nagtamo si Batocabe ng walong tama ng bala sa katawan, habang anim naman ang tama ni Diaz.

Pulitika ang tinitingna­ng motibo sa pagpatay kay Batocabe, na nasa huling termino na bilang kinatawan ng Ako Bicol, at kandidato para alkalde ng Daraga, bagamat ikinokonsi­dera rin ang pagkakasan­gkot ng New People’s Army (NPA) sa insidente.

Sa Lunes, Disyembre 31, ang libing ni Batocabe sa Daraga, habang isang memorial service ang idaraos sa Kamara de Representa­ntes sa Quezon City sa Enero 14, 2019.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines