Balita

Indonesia: 62 patay sa tsunami

-

CARITA (AFP, Reuters) – Patay ang 62 katao at halos 600 iba pa ang nasugatan sa tsunami sa Indonesia, na maaaring idinulot ng bulkan na kilalang ‘’anak’’ ng maalamat na Krakatoa, sinabi ng mga opisyal kahapon.

Daan-daang gusali ang nasira ng alon, na tumama sa dalampasig­an nang walang babala sa South Sumatra at sa dulong kanluran ng Java dakong 9:30 ng gabi nitong Sabado, ipinahayag ni national disaster agency spokesman Sutopo Purwo Nugroho.

May 62 katao ang nasawi at 584 ang nasugatan habang marami pa ang nawawala sa tatlong rehiyon. Daan-daang bahay din ang nawasak.

Sinabi ng mga awtoridad na ang tsunami ay maaaring bunsod ng abnormal tidal surge dahil sa new moon at sa underwater landslide kasunod ng pagsabog ng Anak Krakatoa, na bumubuo sa maliliit na isla sa Sunda Strait sa pagitan ng Java at Sumatra.

‘’The combinatio­n caused a sudden tsunami that hit the coast,’’

sinabi ni Nugroho, ngunit idinagdag na inaalam na ng geological agency ng Indonesia kung ano talaga ang nangyari.

Idinagdag niya na posibleng tataas pa ang bilang ng mga namatay.

Ayon sa pahayag ng Meteorolog­y, Climatolog­y and Geophysics Agency (BMKG), sumabog ang Krakatoa dakong 9:00 ng gabi at tumama ang tsunami dakong 9:30 ng gabi nitong Sabado.

“The tsunami hit several areas of the Sunda Strait, including beaches in Pandeglang regency, Serang, and South Lampung,” ayon sa ahensiya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines