Balita

Psychiatri­st sa nabu-bully: Umiwas at tumakbo

- Erma R. Edera

Huwag nang lumaban.

Ito ang payo ng isang psychiatri­st sa mga binu-bully kasunod ng pagba-viral sa social media ng video ng insidente ng pambu-bully ng isang estudyante ng junior high school ng Ateneo de Manila University (AdMU).

Sa nasabing footage, makikita ang pananapak ng isang estudyante sa mas matangkad na bata hanggang sa dumugo ang ilong nito sa loob ng isang comfort room ng unibersida­d.

Ipinayo ng psychiatri­st na si Randy Dellosa na kaagad na magsumbong sakaling makaranas ng bullying.

“Never keep it a secret. Isang dahilan kaya napili kang i-bully ay alam niyang isesekreto mo lang kahit i-bully ka niya. Empower yourself by telling adults such as your teacher, your parents, parents of classmates, your guidance counselor, your principal, prefect of discipline, security guard,” aniya.

Mas mabuti aniyang huwag na lang gumanti o lumaban kung hindi rin lang bihasa sa martial arts.

“The bully is usually bigger and stronger than you and baka may resbak pa siyang kasama. You may be endangerin­g your life kung manlaban ka pa. Umiwas ka na lang at tumakbo. Mas mabuti nang matawag kang duwag kesa mapahamak pa ‘yung buhay mo,” ani Dellosa.

“Mas ita-target ka ng bully kapag alam niyang nag-iisa ka o mapag-isa ka. There is strength in numbers. Magpacouns­eling ka sa guidance counselor niyo. Kakampi mo ‘yan. Huwag mong kimkimin ang emotional trauma na natamo mo from bullying,” sabi pa ni Dellosa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines