Balita

Araneta, nanaig kontra Bautista sa Cebu

- Gilbert Espeña

HINDI napatulog ni WBA No. 9, WBC No. 10 at WBO No. 11 light flyweight Christian “The Bomb” Araneta ang karibal na si Vincent Bautista, ngunit sapat ang dominasyon para makuha ang unanimous decision nitong Biyernes sa Robinsons Galleria sa Cebu City.

Naiwasan ni Bautista ang mga pamatay na suntok ng walang talo at kasalukuya­ng WBC Asia Silver light flyweight champion na si Araneta kaya nakuntento ito sa pagwawagi sa puntos.

“Christian ‘The Bomb’ Araneta failed to impress when he could not find a way to land his vaunted knockout punch or dominate his pedestrian opponent over eights rounds at the here Saturday night.”

“Araneta however won by wide margin with scores of 79-73, 79-73 from judges Arnie Najera and Noel Flores and 80-72 from Carlos Costa.”

Napaganda ni Araneta ang kanyang rekord sa perpektong 17 panalo na may 14 na pagwawagi sa knockouts at inaasahang aangat sa world rankings.

Nagwagi rin si dating world rated junior lightweigh­t Harmonito de la Torre sa 6-round unanimous decision kay journeyman Richard Betos sa kanilang lightweigh­t bout.

Umangat ang kartada ni De la Torre sa 20-2-0 na may 12 pagwawagi sa knockouts at umaasang muling makakapagk­ampanya sa United States makaraang magtala ng pagwawagi sa puntos kina Guillermo Sanchez ng Puerto Rico at Jose Luis Araiza ng Mexico pero nadaig sa 8-round unanimous decision ni Mongolian Tugstsogt Nayambar kahit napabagsak niya ito sa 2nd round sa mga sagupaan sa Las Vegas, Nevada.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines