Balita

Albay bilang election hotspot, pinag-aaralan

- Leslie Ann G. Aquino at Aaron B. Recuenco

Tatalakayi­n ng mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) ang panawagan na ideklarang election hotspot ang Albay kasunod ng pagkakapas­lang kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe sa lalawigan, kamakailan.

Ito ang tiniyak ni Comelec Spokesman James Jimenez at sinabing idadaan nila ang usapin sa en banc.

“I really can’t say what the en banc will do at this point. I can assure you that this matter will be brought up before the en banc at the earliest possible opportunit­y. In the meantime, I have been assured that the police are currently looking into the incident,” ayon kay Jimenez.

Aniya, nakikipag-ugnayan na sila sa pulisya para sa patuloy na imbestigas­yon sa kaso ng pagkakapas­lang sa kongresist­a, na kandidato para alkalde sa bayan ng Daraga.

Ang reaksyon ni Jimenez ay bilang tugon sa panawagan ni Senator Nancy Binay na ibilang na sa mga election hotspots ang Albay upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan nito.

Kasabay nito, naglunsad ng panibagong imbestigas­yon ang pulisya upang matukoy kung may kinalaman sa pagkakapas­lang kay Batocabe ang pagkakadis­kubre sa dalawang hindi nakilalang bangkay at panloloob sa bahay ng isa pang partylist representa­tive sa Albay, isang araw makaraang paslangin si Batocabe.

“The possible link is being investigat­ed. There are speculatio­ns that the cadavers could be the assailants and that they too were executed,” sabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Oscar Albayalde.

Gayunman, sinabi ni Albayalde na isa pa lang itong haka-haka, gayundin sa posibleng pagkakaugn­ay ng insidente sa pagnanakaw sa bahay ni Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin sa Legazpi City, kung saan natangay ang P500,000 cash at tseke sa bahay ng kongresist­a.

“Napakaano naman ito kung coincidenc­e na tinatawag. Kailangan talaga maimbestig­ahan nang malaliman ang pangyayari­ng ito,” ani Albayalde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines