Balita

Lutuan ni Slyvia, naka-maleta

- Ni REGGEE BONOAN

‘SYLVIAHERA’ ang titulo ng travel cooking show ni Sylvia Sanchez na napapanood na sa YouTube simula kahapon, Disyembre 25, 5PM (Philippine time).

Kaya Sylviahera ay dahil lilibutin ng aktres ang mga pangunahin­g probinsya kung saan ipapamalas niya ang galing niya sa pagluluto na ang mga sangkap ay kung anong meron sa lugar na pinuntahan niya.

“Lahat ng lulutuin ko galing mismo sa lugar kung nasaan ako, ang tanging bitbit ko, maleta na ‘pag binuksan mo, nandoon ang lutuan ko,” ito ang kuwento sa amin ng aktres.

Ang binabanggi­t na ‘maleta’ ay ang collapsibl­e cooking stove na ginagamit din ng mga kilalang chef sa ibang bansa para sa travel show nila.

“Back to basic ang ipapakita ko, hindi ‘yung mga sosyal na pagkain. Tulad ko, laking probinsya ako sa Nasipit at tabing dagat. Kung anong mahuli ko sa dagat, ‘yun ang iluluto ko at kung anong mga gulay mayroon doon,” kuwento pa.

Sa pilot episode ay ang pamilya ni Sylvia ang kasama niya tulad ng asawang si Art Atayde, na ayaw na ayaw nitong nakukunan siya ng TV camera, pero sa pagkakatao­ng ito ay napapayag siya ng asawa dahil kasama naman ang mga anak na sina Arjo, Ria, Gela at Xavi na lumipad pa ng Nasipit, Agusan del Norte kung saan nagmula ang aktres.

Nag-aral ng Culinary si Ibyang ilang taon na ang nakararaan para sa pamilya niya dahil nga mahilig kumain ang asawa kaya inaral lahat ng aktres ang iba’t ibang klase ng dishes.

Sinubukan ding magtayo ng restaurant ni Sylvia, pero hindi rin nagtagal dahil naging abala siya sa karera niya bilang artista na first love niya.

Pero sadyang mahilig talagang magluto ni Ibyang kaya lagi siyang nagexperim­ent ng kung anu-anong putahe at ipapatikim niya ito sa mga kaibigan niya na iniimbita niya ito sa bahay nila.

At dahil na rin sa mga napo-post na masarap magluto ang aktres ay maraming nagre-request na i-share naman niya sa lahat ang mga putahe niya na matagal din niyang inisip pero sa paanong paraan.

Hanggang sa napag-usapan ito ng production team niya, sa pangunguna ng manager niyang si Anna Goma at direktor na si Dante Nico Garcia at heto, nakabuo sila ng Sylviahera.

Sumakto dahil nagkaroon ng bakanteng araw ang aktres pagkatapos ng teleseryen­g Hanggang Saan kaya nabuo nila ang online travel cooking show na ang mga bida ay mga ordinaryon­g taong makakasala­muha ni Ibyang sa mga probinsyan­g pupuntahan nila.

Simula kahapon ay napapanood na ang Sylviahera sa CasaNieves.TV.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines