Balita

Vice Ganda, favorite pa rin panoorin

- Ni REGGEE BONOAN odriguez

NANATILING ang pelikula ni Vice Ganda na Fantastica pa rin ang nangunguna sa ikatlong araw ng 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) at base sa paglilibot namin sa mga sinehan, bukod pa sa kuwento ng mga kaanak at kaibigan namin, sold-out na hanggang sa 6th screening time ang pelikula.

Sumusunod siyempre ang Jack em Popoy: The Puliscredi­bles nina Vic Sotto, Maine Mendoza at Coco Martin, na sold-out din sa magkakahiw­alay na screening time.

Nakakatuwa ang mga bata nitong Pasko. Dahil nga araw nila iyon kaya sila ang masusunod kung ano ang gusto nilang panoorin, ang Vice at Coco movies lang, base sa kanilang mga magulang, ang dalawang pelikula na gusto nilang panoorin kaagad kaya ang mga ito ang nangunguna sa takilya.

Nabanggit sa amin na nasa ikatlong puwesto ang Aurora ni Anne Curtis, at pawang kabataan ang mga nakita naming nanood. Una nang sinabi ni Direk Yam Laranas na “barkada movie” ang Aurora.

Naglalaban sa ikaapat na puwesto ang The Girl in the Orange Dress nina Jessy Mendiola at Jericho Rosales; at Mary, Marry Me nina Toni Gonzaga-Soriano, Alex Gonzaga at Sam Milby, na magkakarel­asyon at karamihan ay babae ang nakita naming lumalabas sa sinehan at mga nakangiti. Ibig sabihin ay nagustuhan nila ang movie, dahil aliw naman talaga ang dalawang pelikula.

Ang One Great Love at Rainbow’s Sunset ay hindi na namin babanggiti­n kung ano ang ranking nila dahil naniniwala kami na aakyat ang puwesto nila pagkatapos ng MMFF Awards night ngayong gabi na gaganapin sa The Theater Solaire. Marami rin kaming nakitang nanood ng Otlum.

Anyway, sa mga mananalo ngayong gabi, congratula­tions at sa mga hindi nanalo, better luck next time.

for 8 years... thank you God for giving it to me.”

Nagustuhan din ng followers ni Mariel ang post niya tungkol kay Robin at sa kasal ng anak nitong si Kylie Padilla kay Aljur Abrenica.

“The most special day for him. Kylie is the original Daddy’s Girl. For all of the 8 years i have spent with @ robinpadil­la it is only on this day where I saw actual tears from his eyes. The only time ever... I saw him tear up!!! He was so happy for his sweetest daughter. This day was blessed with so much love and it has been a privilege to witness it.”

“Praise GOD” ang komento ni Robin sa nasabing post ni Mariel, at “Thank you tita...” naman ang reaction nina Kylie at Aljur.

 ??  ??
 ??  ?? Maine, Vic at Coco
Maine, Vic at Coco
 ??  ?? Vice
Vice
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines