Balita

Death penalty, binubuhay na naman

- Ni JEFFREY G. DAMICOG

Hinihimok si Pangulong Rodrigo Duterte na muling ipatupad ang death penalty kasunod ng pamamaslan­g kay Ako Bicol party-list Representa­tive Rodel Batocabe.

Nanawagan si Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) founding chairman at Presidenti­al Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Dante Jimenez dahil naniniwala siya na ang pagbabalik ng parusang kamatayan ang makasusugp­o sa mga ganitong krimen.

“Are we going to wait for another lawmaker or a senator to be killed similarly with Batocabe and other victims of senseless killings?” saad sa kanyang pahayag.

Hiniling ni Jimenez na gawin itong urgent bill sa muling pagbubukas Kongreso matapos ang holiday break.

Nagpaabot din ng pakikirama­y si Jimenez sa mga pamilya nina Batocabe at ng napaslang niyang security officer na si SPO1 Orlando Diaz.

Binaril nang malapitan sina Batocabe at Diaz ng mga hindi pa nakikilala­ng kalalakiha­n habang pasakay sa kanilang sasakyan matapos mamigay ng regalo sa matatanda sa Barangay Burgos sa bayan ng Daraga, Albay nitong Sabado.

Si Batocabe ay tumatakbon­g mayor ng Daraga sa susunod na halalan.

Hinamon rin ng PACC chairman ang Kongreso na magpasa ng panukalang batas para matakot ang “guns-for-hire” na aniya ay naging isa nang “cottage industry.”

Ginunita ni Jimenez na ang kanyang kapatid na si Jaime Jimenez Jr., ay pinaslang din noong Disyembre 20, 1990 ng “guns-for-hire” na pinaghihin­alaang inupahan ng isang drug queen.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines